VI.
Syempre di ko yun ginawa. Ano ako gago? Di naman kailangang gawin yun.
Umalis na ako sa ibabaw niya at isinampay na ang uniform niya sa alambre sa loob ng kwarto. Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Oo may cellphone din ako. Di ako ganun ka pulube.
Nilabas ko na yung Nokia 3310 sa bulsa ko at sinagot yun.
“Nay?”
Sino lang ba ang tatawag sakin ng ganitong oras ng gabi.
<Kamusta ka na anak?>
“Buhay pa naman. Salamat po sa pinadala niyong 200 last week. Puro pancit canton ang nakain ko.”
<Don’t worry anak, magiging 300 yan pag nagpakabait ka.>
Langya nay, di mo narinig yung sarkastikong pagkakasabi nun? Tsk!
“Okay. Mabait naman ako.” Minsan.
<Anak, sinungaling ka parin.> May narinig akong isang hikbi. Tangna. Drama.
“Tss. Ano nanaman ba nay?”
<Tinawagan ako ng guidance counselor ng school mo.>
Anakng! YUNG GC!
“Ano sabi?” Hindi ko maiwasan yung panic sa boses ko. PATAY AKO NETO.
<Hindi ko masyadong maintindihan, pero may nalaman ako anak.>
“A-Ano?” Tangina! Wag mo babawasan ang allowance ko!
<May girlfriend ka na daw? Frey, anak, natutuwa ako para sayo!>
“KAGAGUHAN!! ANG CORNY TANGINA! SINABI NIYA YUN!? WALANG YA!” Pucha. Nasabi ko yun ng malakas?
<Frey! Akala ko nagbabago kana! Ano nanaman yang naririnig ko! Anu nalang iniisip ng girlfriend mo sayo?>
“Bullshit nay! Wala akong ganun!”
<Wag ka magsinungaling anak! Alala mo pa sabi ni nanay sa mga nagsisinungaling? Ang guidance counselor na ang nagsabi. Please Frey, wag mo na dadagdagan ng sakit ng ulo ang nanay. Nakailang lipat ka na ng school dahil sa reklamo ng iba sa ugali mo. Kailan ka ba anak magbabago?>
"Drama. Tss.” Corny. Magbago? Ha. Daming alam, matino naman ako. Maarte lang po talaga kayo.
<Anong pangalan ng girlfriend mo? Kaklase mo ba siya? Ipakilala mo samin ng tatay mo ha?>
“Nay, ano ba. Sabing wala.” Tiningnan ko yung kutung lupa na nakahiga sa papag. Sinipa ko yung kamay niya kase kumapit yun sa pantalon ko.
<Sige, pag pinakita mo siya samin…magiging 300 na ang allowance mo.>
Waw. Ang lake. Sobra. Ang gago lang.
“Pag-iisipan ko. Sige bye.” Narinig ko yung pagpigil niya ng pag-end ko nung call, pero bahala na. Di naman siguro yun mahalaga. Hinagis ko yung cellphone sa labahin. Tss. Badtrip! Yumuko ako at tinitigan si kutung lupa.
“Magiging worth it ba? 100 pesos lang…pero malaking bagay yun sakin.” Di na puro pancit canton ang kakainin ko.
Tumayo na uli ako tapos pinalitan yung suot kong janitor uniform. Bumaba ako ng hagdan dala yung timba na may laman ng labahin.
Maglalaba ako syempre.
Napabuntong hininga nalang ako. Tss...corny na buhay to oo.
Pumasok ako sa banyo.
At napahinto sa pinto…
“KYAAAAAAAAAAAAAAAA! BASTOSSSSSS!!!!!!!”
Nabitawan ko yung timba at mabilis na umatras at isinara ulit yung pinto.
“Ang bastos mo! ANG BASTOS MO!!! BASTOS!! BASTOS!”
Napatulala ako. Fvck… bakit ganto?
Ano na ang nangyari sa gago story na to?
Bakit nandito ang karibal ni kutung lupa?
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...