Corny 11

8.6K 291 140
                                    

XI.

Tatlo kaming naglalakad ngayon papalabas dun sa lugar kung san nakatayo ang barong barong ko. -__-

Hindi ko sila ihahatid, ano ako tanga?

Gusto ko lang makasigurado na itong dalawang babaeng to hindi na babalik. Lalo nang isang to.

*sniff* *sniff*

LANGYA!! Ayaw parin tumahan ni kutung lupa sa pag-iyak iyak niya.

Pakshet lang! Buti pa tong bastos na babae sa unahan. Si Cormia. Oo nasa unahan siya ayaw niya daw ng corny.

“Cormia, patahanin mo nga to.” Utos ko sa kanya.

Huminto siya bigla, lumingon at pinandilatan ako ng mata.

Tss. Ang landi niya kahit kailan. -__-

“BILISAN MO! Rinding rindi na ako!” Masisiraan na ako ng bait dahil sa kutung lupa na to! Nakakabanas masyado ang boses niya!  Ang sakit sa tenga.

Mahina siya umiyak. Alam ko yun.

Pero yung pagsinghot singhot niya nakaka-badtrip! Parang tanga lang.

Hindi ko gusto.

“Hanggang 3 wishes lang Frey kung natatandaan mo. Tapos na ang dalawa.” Paalala niya sakin habang yung kamay niya nasa bewang niya. Isinuklay niya ang kanang kamay sa buhok niya tapos pinagtaasan ako ng kilay.

Ang layo layo niya kumpara sa babaeng nasa tabi ko na parang abnormal na hawak hawak ang laylayan ng t-shirt ko, habang umiiyak na parang engot, tinatakpan niya ang bibig niya.

Siguro kahit sinong makakakita maawa sa babaeng to. Pinipigilan niya ang pag-iyak niya dahil alam niyang kanina pa ako nagrereklamo….

Pero la ako pake.

“Tangna! Yun na! Wala namang kwenta ang mga pwede kong hilingin sayo. Patahanin mo yan.”

Tinatanggal ko yung kamay ni kutung lupa sa damit ko, ayaw niya bumitaw.

 

“Bullshit. Let go!”

Tinulak ko siya at para siyang hampas lupa na napaupo sa kalsada.

Umiyak siya ng umiyak. Yung tipo ng pag-iyak na parang sa kakahingal niya ay matatanggal ang baga niya. Naalala ko yung nangyari kahapon. Yung pamumutla niya na parang hindi siya makahinga.

Ahh. Badtrip na buhay to oo.

Naupo ako sa tabi niya at napakamot sa ulo. Tae anong gagawin ko sa babaeng to?

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon