XIII
Para akong gago dito. Badtrip naman oo. Nakatayo ako sa labas ng Dream University. Nakasandal sa pader sa gilid ng magarang gate. Private din ang school ko kaya wala akong pake sa Dream University. Ang pinag-kaiba lang… Ang mag taga dito…puro babae.
Shit badtrip.
Pinagtitinginan ako nung mga halimaw na babae. Pansin ko pa yung iba naka-ilang pabalik balik na sa paglabas at pagpasok sa gate.
Tss. Halata na sinasadya nilang balik-balikan ako. -__-
Ano ako gagong display sa kanto?
Iniyuko ko ang ulo ko para di nalang sila tingnan. Pero ang tanga lang, paano ko makikita si kutung lupa? Kahapon lang kami nagkita ng walangyang mahalay na babaeng yun. Pero heto parang labing tatlo na chapters na ang pinagsamahan namin.
Amp. Ang corny. Ang daming alam! -__-
“Uhm, excuse me? Taga anong school ka po?”
Tiningnan ko yung relo ko.
“Uhm…Ako po si Kenshin.”
Napabuntong hininga ako. Mag-aapat na oras na akong naghihintay pero ni-anino ni kutung lupa wala! Shit.
“Tinatanong po kita.”
Iniangat ko manggas ng uniform ko. Oo, yun ang suot ko ngayon. Alam kong mainit pero wala akong balak mag suot ng pambitaw para kay kutung lupa. Ano ako tanga? Mag-isip pa yun ng iba sa sadya ko.
“Sayo po yang sasakyan na yan?”
Tumingin ako sa kalsada. Dala ko bisikleta ko ngayon. Sasakyan na pala tawag dito?
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...