III.
“Bakit ka ba sunud ng sunod sakin?” Asar na babae to, hindi na nga siya nakakapit sakin pero nasa tabi ko siya at parang tanga na titig na titig sa mukha ko, ilang beses na siyang tumama sa poste at nadapa dahil sa ginagawa niya.
Sa lahat ng yun, pinabayaan ko siya. Di ko siya kailangang tulungan, desisyon niya yan.
“Frey, ang gwapo mo!" Malapad ang ngiting sabi niya sakin.
“Ganun ba.” Pumasok ako sa isang masikip na iskinita. Hindi ko yun sinasadya, dun talaga daan papunta sa tinitirhan ko. Hindi ako gaya ng ibang kilala nyo. Yung mga mayayaman na gwapo at gago? Hindi ako ganon. Simpleng tao lang ako. Nakatira ako sa isang squatter area, wala akong sasakyan. Nag-ba bike ako.
Bakit di ako naka bike? Kasama ko kase tong babaeng to. Tss. May pakiramdam akong susundan niya talaga ako, imbis na kumapit siya sa gulong. Naglakad nalang ako. Kung may nag-iisip na mabait pala ako dahil naisip ko yun. Tangna. Bobo ka ba? Hindi ako mabait. Mapagkamalan pa akong minamaltrato ang kutung lupa na to. Ayoko nun. Tama na ang record ko ng pakikipag basag-ulo sa barangay.
“Oo sobrang gwapo mo.”
“Ok.”
“Frey—“
“Putangina naman e! Lubayan mo na akong kutung lupa ka! Nakaka banas ka na!” Hinarap ko siya, e sakto na ang lapit na pala niya sakin kaya bumangga siya sa katawan ko, naramdaman ko ang mabilog na dibdib niya, pero la ako pake.
“Frey, bagay tayo.” Yumakap siya ng mahigpit sakin. Hinayaan ko nalang siya.
“Ano bang gusto mo? Bakit kanina ka pa sunod ng sunod sakin?” sinubukan kong pakalmahin ang boses ko kahit papaano. Baka mapaos na ko kakasigaw sa lokong to.
“Na love at first sight ako sa’yo.”
KAGAGUHAN. Ahh. Tangina. Sinong tanga ang maniniwala dun? Sa isang iglap nag kagusto ka sa isang tao tapos para kang engot na susundan yun? Ang bilis tae. Gago story na ba talaga to?!
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...