Corny 15

7.6K 253 100
                                    

XV.


“Pare bakit ka nananakit ng babae?” Naasar na tanong niya sakin habang naupo siya sa tabi nung kutung lupa sa kalsada.

Pare? Tangna. Sinong kausap niya?

Hindi ko siya sinagot. Kasi nagmumukha akong gago. Magmumukhang ako ang may kasalanan. Hindi siguro nakita nitong ulol yung ginawang walang habas na paghalik sakin ng lokong to.

E yung lintik na kutung lupa naman ang may kagagawan kung bakit siya parang tangang nasasaktan diba?

Hindi ako.

Lagi nalang! Ampucha.

Hinawakan nung ungas na lalaki si kutung lupa sa mukha. Nakakababoy tingnan.

 

“Ayos ka lang?”

Fvck. Kailangan talaga magbago ang tono ng boses? Kailangan talaga hinaan? Kailangan talaga dahan dahan? Corny! -_- Ang shit lang.

 

“Pfft—“  Natawa ako.

Matalas akong tiningnan nung ungas.

 

“May angal?” Sabi ko sa kanya. Nagulat nalang ako nung bigla siyang tumayo at sinapak ako sa mukha.

Malakas akong napasandal sa pader, at parang natikman ko yung sarili kong dugo.

Shit.

Maya-maya pa, kwinelyuhan niya na ako.

 

“Tangna! Wag damit ko!” Sigaw ko sa kanya. Pero yung mga mata niya galit na galit. Para niya akong sinasakal habang idinidiin pa niya ako lalo sa pader.

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon