XXIV.
"Wag mo ididilat mata mo. Nahihiya ako."
Tango naman si kupal. :|
Itinaas ko ang palad ko at idinampi ang dulo ng daliri sa labi niya. Ngumiti siya. Gusto kong matawa, pero baka mahalata niya na ginagago ko lang siya.
Ilang segundo pa, inilayo ko na ang daliri ko at tumikhim, "Hinalikan na kita."
"Isa pa. Please?" Pabulong na pakiusap niya. Langya, ang gahaman ng ulol na to."Payn." Tarantado na kung tarantado pero imbis na halikan ko talaga siya ginamit ko ulit ang daliri ko. Halos magsitayuan ang balahibo ko sa katawan nung mahawakan ko ang mamasa-masang labi niya. Bakit ganto ang mga tao? Di ba sila nandidiri sa laway ng iba? Ang mahawakan nga lang ito baboy na baboy na ako, e kung malasahan ko pa? TANGINA. kadiri talaga.
Bigla nalang binuka ni kutung lupa ang kanyang bibig at dumampi sa balat ko ang dila niya.
Nakng! Bakit napakahalay niya? Mabilis ko uling binawi ang kamay ko.
"Ayan tapos na!" Naasar na sabi ko sabay talikod at lakad palayo habang pinupunas sa pantalon ang nagahasang daliri ko.
"Salamat Frey. Maraming salamat!" Kahit di ko makita ang mukha niya alam ko na tuwang tuwa na siya boses pa lang.
"K." Yun lang nasabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Frey salamat talaga. Huli na talaga 'yun. Marunong naman ako tumupad sa pangako." Narinig ko pa yung pagtawa niya ng mahina. Pero halatang pilit at wala naman akong pake.
Diretso lang Frey. Wag mo na siya pansinin. Tapos na. Malaya ka na. Ligtas ka na sa kakornihan niya."Salamat Frey. Sa pag-ibig mo. Sa pagpansin mo sakin. Sa huling halik na binigay mo..."
Nakakagagong mga litanya. Mga salitang walang kakwenta kwenta.
BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...