Corny 8

8.7K 324 86
                                    

VIII.

Hindi pa siya nakuntento sa pagsampal sakin, itinulak niya pa ako. Tangina! Amazona yata ang babaeng to!

“Naghugas kaba ng kamay mo ha?” Naasar na sabi ko sa kanya habang pinapahiran ang mukha ko. Pucha, mamasa-masa!

Tiningnan niya ako ng masama.  “Ewan ko sayo!” Namumula siya na parang kamatis, ewan ko ba kung dahil sa galit… o dahil sakin? Nahihiya siya?

May hiya pala ang babaeng to? Teka, pake ko? Ang korni. Daming alam!

 

Kinuha ko nalang yung labahin ko sa loob ng banyo. ANAKNG!… ambaho! Mabilis akong lumabas at hinigit siya papalayo baka dumikit sa damit ko ang amoy, nakakagago. “Ano bang ginagawa mo dito?” 

Tinulak ko siya sa sofa—amp la pala ako ganun. Tinulak ko siya sa isang karton para umupo. La pala laman yun.

Napipi yung karton at napaupo siya sa sahig. Tiningnan niya uli ako ng masama at napangiti ako sa ginawa niyang marahas na paghila pababa sakin.

Bago pa niya tuluyang mahubad ang suot kong pang-ibaba naupo na ako. Nagkatitigan kami.

Nakakababoy ang pakiramdam ng titigan na to. Pero… ayos lang naman diba…?

 

Nauna akong nagsalita, “Sumagot ka a, tinatanong ka. Sino ka at anong ginagawa mo dito?”

“IKAW. ANO GINAGAWA MO DITO?”

Nakakatanga ang sinabi niya a. Pucha ano raw? Anong ginagawa ko rito? Sa squatters area? Sa labas ng mabahong banyo? “WAG MO SABIHIN ANG LANGYANG GASGAS NA plot na ikaw din ang may-ari ng bahay na to at magmula sa araw na ito magsasama tayo? Magkakaroon ng maraming ka-cornyhan, ka walangyaan at sa huli magkakagaguhan.” Kupal, wala akong pinapatamaan, nacocornyhan lang talaga ako.

“Tama ka.” Tumango tango siya na parang engot sa harap ko. Ang landi niya dahil yung buhok niya humarang sa mukha niya at parang gusto itong tanggalin ng kamay ko. Pake ko sa gusto ng kamay ko? Tanginang kamay yan. Ang korni. Tsaka bat ko gagawin? baka sampalin niya pa uli ako.

Ano ulit sabi niya?

Tama ako?

 

“PUTANGINA! Sinong niloko mong babae ka? AKIN TONG BAHAY NA TO! Mula sa pintuang gawa sa yero, sa sira sirang pader na kahoy at sa mabahong banyo na ginamit mo! NANAY KO NAGPAGAWA NITO!”

“Hoy ABNORMAL! Sabi ko tama ka tungkol sa gasgas na plot na yun!”

“Ganun ba.” Napakamot ako sa ulo ko. Tapos parang nahihiya na ewan na yumuko. “He he.”

Tumama ako sa kanya? Ahh.. batrip! ang gago! pero bat ang saya ng pakiramdam?

“Ngayon kupal magsalita ka. Sino ka at anong ginagawa mo rito?”

 

“Ako nga pala si Cormia Drake Asturias, 18 years old maganda ako pero wala akong pake. Nag-aaral ako sa Dream University—“

Tinakpan ko ang bibig niya. “Itigil mo ang gasgas na panimula. Korni. Tangina.” Nung tinanggal ko na uli yung kamay ko sa kanya.

Dinuraan niya ako sa mukha.

 

Fuck this girl!

 

Gawin ko ba? HA ha. =_=

Tae ang corny.

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon