Corny 4

10K 394 104
                                    

IV.

“A-Ano—“ Puta! Bat di ko alam ang dapat sabihin? Tae ang corny…amp sobrang corny nakakahiya. Nakakakilabot ano ba to!? Bakit ako lumulunok na parang engot sa harap ng babaeng to?  Bakit ako tangang nag-aalala sa iniisip niya sakin at sa kutung lupa na kasama ko? Tangna napaka wirdo.

“Na-gago ka na sakin?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.“Dapat di ka nagsasalita ng ganyan.” Sabi ko sa kanya.

“DUH! Ang corny mo, ano ngayon? Eew! Sino ka ba para utusan ako? Tatay kita? Tsaka pake ko ba sayo?”

 

Anakng! Imbis na sa magalit ako sa pinagsasabi niyang kawalang hiyaan sakin at kawalang respeto, iba nararamdaman ko. Tangna! Bakit ang landi ng dating niya sakin? Fvck nalalandian ako sa kanya bat ganto? (Frey’s dictionary: landi=sweet)

Sinubukan kong lumapit para hawakan ang braso niya kaso umatras siya at tiningnan lang ako ng masama.

Tae ang landi niya talaga.

 

Gusto ko siya.

Tanginang yan. ANU SABI KO? KAGAGUHAN. Isipin niyong di ko sinabi yun.

 

“Ano ngayon? Kababae mong tao nagmumura ka.” Sagot ko sa kanya.

 

“Kalalake mong tao ang corny mo.”

Teka anu connect? PUCHA niloloko na ko ng babaeng to! Di ko pinansin sinabi niya nagpatuloy ako.

 

“Wala akong karapatan para utusan ka? Ako lang naman si Frey Honore, at dahil nandito ka sa storya ko. OO, MERON.”

Hindi siya nakasagot. Buti naman.

“AT ISA PA HINDI AKO ANG WALANGYANG TATAY MO! Mukha ba akong tatay sayo? Sabihin mo nga ha!?” Nilapit ko sarili ko sa kanya pero pinigilan ako nung kutung lupa. Di ko alam pero nagagalit ako ng sobra. Kumukulo ang dugo ko. TATAY? Tangna, di ko siya pwedeng maging ka-gago team kung ganun iniisip niya sakin.  “Saksak mo yan sa kukote mo!”

 

Inirapan niya lang ako.

Bakit nalalandian ako sa kanya? At bakit parang di normal ang tibok ng puso ko? anong kagaguhan to?

FVVVVVVVVVVCCKKK PUTA ANG KORNI!

 

“Pinakahuli sa lahat—IKAW— corny na babae ka, WALA KA MANG PAKE SAKIN—di ko alam kung bakit pero MAY PAKE AKO SAYO!”

 

Napasinghap yung kutung lupa sa tabi ko.

 

“S-Siya ba Frey? Ang babaeng para sayo? Tell me—is this goodbye?”

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon