Corny 7

8.7K 357 131
                                    

VII.

BASTOS!!!! BASTOS! WALANGYA KA !! BASTOS!!”

Okay, hindi pa siya tapos sa kakasabi niyan sakin. =_=

Puro yan nalang naririnig ko. Kumalabog yung pinto may inihagis ata siya. Humanda siya sakin pag nasira yung tabo ko. Kahit bote lang yun ng toyo, humanda siya sakin. Tabo ko yun!

 

“Tapos kana?” Yun lang sabi ko.

 

“BASTOSSSSSS KA!!!”

 

“Tapos ka na nga?” Napakamot ako sa ulo ko.

 

“WALANG YA KA BASTOS KA!!!”

 

“Tss… hindi pa. Bilisan mo. Maglalaba ako.” Sumandal ako sa pader at ipinikit ang mata ko. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.

Pagpasok ko kasi sa banyo… Siya ang lumantad sakin.

At di gaya ng mga corny na storya na makikita ko siyang nakahubad habang naliligo… Iba ang nakita ko.

Nakaupo siya sa inidoro.

TUMATAE.

 

Kusang kumurba ang isang ngiti sa labi ko, “Buhusan mong maigi a!” Pang-aasar ko sa kanya.

Ewan ko ba, pero magaan kagad ang loob ko sa babaeng to.  Tae ang corny!

Pero teka, oo nga pala? Ano ba ang ginagawa niya dito?

Nagmamadali siya kanina para lang makibanyo? Dito pa sa pamamahay ko? Astig na babae.

Ang landi niya talaga…

Gusto ko siya….

Bumukas ang pinto ng banyo. Nanlilisik ang mga mata niya nung hinarap ko siya.

Then I grinned.

“Bastos!”

Sinampal niya ako.

Unang pumasok sa isip ko?

 

Tangna, sana naghugas siya ng kamay niya!

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon