XVIII.
Nakakagago talaga ang pakiramdam na to kahit kailan. Bakit kailangan ko pa kasi harapin si tatay. Amp! Panira naman talaga to oo.
“Pasensya ka na Frey anak.” Nag-aalalang sabi ng nanay ko. Di ko siya pinansin, diretso lang tingin ko hanggang sa may narnig kaming kaluskos. Mula sa mga talahib sa gilid ng malaking bahay lumabas yung kapre.
Tae. Yung tatay ko yun. Papalapit na siya samin habang nakangiti. Yung ngiting mapang-asar. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Maraming nagsabi na kamukha ko siya. Tangna! Pake ko ba?!
Kumaway siya.
Ah—shit. Kinakabahan ako. Ano ba to. Naramdaman siguro nitong bastos na babae sa tabi ko. Humawak siya bigla sa manggas ng damit ko sabay hila.
“Frey? Sino yan? Kambal mo?”
“Manahimik ka.” Sabi ko sabay tulak sa mukha niya palayo. Nasa harap ko kasi siya natatakpan niya yung paglapit nung kapre.
Lumobo yung pisngi niya. Aba’t may balak ang bastos na babaeng to. Bago pa niya ako babuyin sa pagdudura nanaman sa kung sang parte ng katawan ko hinawakan ko yung braso niya. Tumingin siya sa kamay ko sabay angat ng mga mata niya sakin at kahit na paulit ulit na—pinagtaasan niya ulit ako ng kilay.
Dahan dahan kong dinulas yung kamay ko pababa hanggang sa magsanib mga daliri namin. Napasinghap siya at hinawakan ko siya nang mahigpit.
Shit Cormia. Makisama ka sakin ngayon. Tiisin mo na muna na mamawis kamay nating dalawa.
“Frey, napadalaw ka.” Nakangiting sabi nung kapre na sabi nila kamukha ko. Pucha. Yang tono na yan alam ko na yan tay.
“Tay, wag ka korni. Diretsuhin moko. May pupuntahan pa kami ng girlfriend ko.” Parang gusto kong kagatin at paduguin yung dila ko nung sinabi ko yun. Girlfriend. Ampucha.Ang baboy. Ang baboy talaga.
“May pupuntahan kami ng baboy ko.” Yun ang gusto kong sabihin kaso, si kapre…. Amp.

BINABASA MO ANG
Corny Daming Alam!
Humor"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storya...