Corny 19

6.5K 211 45
                                    

XIX.

“HOY—AKIN—NA!” Nababanas na ako kakapaulit ulit na akin na yung putanginang 300 ko!  

 

“Gawin mo muna Frey.” Pilit niya sakin. Kung ang sinasabi niya ay ang upakan siya aba’t di niya na ako kailangang tanungin pa! PERO HINDI E. LANGYA!

 

“AYOKO NGA! Wag mokong ginagago!” Marahas akong napakamot sa ulo. Bakit ba sobrang tigas ng kukote nitong tatay ko? Taena, sarap patulan! Kelan ba kasi matatapos ang paghingi ko ng 300 sa langyang taong to?!

“Girlfriend mo siya diba?” Ngumuso pa siya sa direksyon ni Cormia. Tss. Kala niya ang ganda tingnan. Kinikilabutan ako kasi parang nakikita ko mukha ko sa kanya.

 

“Girlfriend mo diba?” ulit uli niya.

 

Gilfriend? Pwe! Ang sarap duraan nung sahig dahil sa sinabi niya pero heto ako, hinigpitan ko pa paghawak sa kamay ni Cormia. At ang ganti ng bastos na babaeng to? Tinadyakan niya yung paa ko!

ANAKNG! Napasinghap ako sa sakit at sa galit pero nanahimik lang ako. Baka maupakan ko nalang siya bigla bigla dito.  

Walangyang babae to!! Mahal ang kiwi! PUTA! MAHAL  ANG KIWI!

“Oo na tay, siya nga ang GAGONG—” mariin pero mahinang sagot ko habang tinitingnan ng masama si Cormia, “girlfriend ko.”

“Yun naman pala e. Ano pang nirereklamo mo anak? Gawin mo na at ibibigay ko sa’yo to.” Kinuha ni tatay yung tatlong tig iisang daan sa bulsa ng pantalon niya. Aba, naghanda talaga tong loko? Syempre ano ako tanga? Sinubukan ko kagad yun hablutin mula sa kamay niya pero nakaiwas naman siya sabay atras palayo samin.

“Frey, wag madaya.” Saway nung nanay ko. Isa pa itong babaeng to.

“MADAYA!? MADAYA?! WALA AKONG PAKE! Lintik naman tay! Nasasayang oras ko dito!” May mga sinampay pa akong ililigpit tae! Bakit naman kasi nagkataon pa na nandito si kapre.Bakit wala siya dun sa trabaho niya?!  

“Ano ba yang kacornyhan na yan ha?” Atat na tanong ni Cormia sakin. Namamawis na kamay namin pareho gaya nga ng inaasahan ko. Nakakapanlimahid ang pakiramdam, pero ayun, di ko muna siya bibitawan.

“Basta.” Maikling sagot ko.

Yung mahaba niyang buhok magulo na, siguro dahil din sa byahe kanina. Sandali kong hinawakan yun pero hinampas niya yung kamay ko palayo.

“Arte.” Angil ko. Hindi dahil sa gusto ko hawakan yung buhok niya, la ako pake dun. Ang corny naman pag ganun. Tae lang, gusto ko lang ayusin kasi nga andyan si tatay.

 

Tumingkayad siya para may ibulong sakin, “Frey kailangan ko nang umalis bilisan mo na kasi!” Mataman ko siyang tiningnan at sabay ngisi sa kanya.

Corny Daming Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon