Chapter 22

10 0 0
                                    

Jiane's POV

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay ko. Bigla nalang nagsabi si Luise na 'Marry me' pagkatapos kukuyugin ako kung naaalala ko ba sya! Jusko! Hindi naman ako nauntog sa bato at nagka amnesia para malimutan sya!

Nagulat nalang ako bigla nyang binangit ang tungkol sa isang birthday party ng isang batang babae. "May nakilala akong isang batang babae noon. Magaling sya bumuo ng rubics at natakot ko ata sya noon dahil sinabi kong 'Marry me!' kaya tumakbo sya. Turned out na sya pala ang may birthday party noon. Ngayon ko lang naalala na ang pangalan ng batang babae na yon ay Jiane Lean." Ang sabi nya pa.

Naguguluhan ako noon. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Akala ko nananaginip ako kaya kinurot ko ang sarili ko pero hindi pala. Tsaka nagsink-in sa utak ko yung panaginip ko! Duon ko naalala lahat! Totoo pala ang panaginip na yon! Parang naging flashback ko yun! At duon ko na tinawanan si Luise dahil sinasabihan ko sya na bata palang sya, malandi na sya kaagad. "It's your nature, Luise" ang sabi ko sakanya at napikon sya non kaya iniwan na ako at tumakbo ng mabilis.

Pag-uwi ko sa bahay, si Mama tulog na agad at nagulat sya sa pagdating ko. Tinanong din saakin ni mama kung anong pangalan ng lalaking naghatid saakin nakaraan na walang iba kundi ang asungit na paniki. Sinabi ko sakanya ang buong pangalan ni Luise at duon nya mas ipinaalala saakin ang nangyari noong birthday party ko. Sinabi pa ni Mama na may ipapakita syang video kung mahanap nya sa mga halo halong gamit ang CD. LOL Sana makita nya

Ang malas naman ng mga nangyari kasi nadidistract ako dahil sa mga pinaaalala nila saakin. Magrereview na panaman ako para sa exam! Ngayon tuloy, kinailangan ko gumising ng maaga para magreview! Dahil hindi ako makapagconsentrate kagabi!

Etong asungot na Luise naman na to, text ng text saakin kagabi na mag-review daw kami! Nasaan ang katarungan duon?! Paano nya nagagawa to saakin?! Hindi nya ba narealize na madidistract lang ako kung makikita ko ang pagmumukha nya?! Ahh! Ano ba yan! Bakit ko ba iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko?! Magrereview na nga ako!

Magbabasa na sana ako ng mga take note ko nang biglang nagvibrate yung phone ko. May text. Tinignan ko ang sender at nakita na si Luise.

"Hoy, gising ka na?"

"Tulog pa ako!" Sinend ko sakanya at akmang magbabasa na ulit kaso ang bilis nyang magreply. Parang magkalapit lang kami.

"Sige, text mo ako kapag gising ka na."

Ano? Seryoso?

Dear Common sense ni Luise, Kamusta ka naman? Nagaganpanan mo ba ng maayos ang tungkulin mo? Bakit may namataan akong hindi mo nagagawa na sipain manlang ang utak ni Luise?

"Bwiset ka, gising na ako! Anong kailangan mo?!" Sinend ko ulit sakanya at nagsimula nang magbasa kaso biglang nagring yung phone ko at syempre, si Luise parin ang tumatawag. Sinagot ko yung tawag.

"Ano!?" Inis kong bungad sakanya.

"Kanina pa kita hinihintay magising. Papasok. Malamig tagala dito sa labas."

Anong sinasabi nito? Baliw na ba sya? "Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Hindi, seryoso. Lalamigin ka talaga kung maliligo ka ng alas tres ng umaga tapos maghihintay sa gate ng bahay ng kaklase mo para makapagreview kayo."

Napatayo na ako sa study table ko at dahandahang naglakad papuntang bintana kasabay ng pagtanong kung seryoso ba sya. Tumingin ako sa may labas ng bintana sa gate. Nakita ko ang isang pamilyar na ulo ng lalaking nakasandal sa may labas sa isang poste ng bakod namin na nakasuot ng school uniform at may hawak na cell phone sa tenga at ang isang kamay naman ay may hawak na nakabukas na aklat. Saktong napatingin sya sa gawi ko at napangiti nang makita akong nakasilip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon