"Sali nyo naman ako."
"Luise." Sabi ni Jenica tapos ngumiti si Luise. "Bakit ka nandito? Dun ang upuan mo diba?" Sabay turo sa upuan ni Luise.
"Masama ba?" Nakasimangot na sya.
Tumalikod na ako at nagsimula na ulit gumawa ng homework. History ang ginagawa ko, at ang assignment ay mga tanong, sasagutin lang naman, kaya ok lang yun. medyo madali. Nagulat ako ng may biglang humampas sa notebook ko at biglang pinilas ang page ng notebook ko napatingin ako sa taong gumawa. At inis na inis ako. ang ayoko pa naman ay nangingiilam sa ginagawa ko. Lalo na yung ginawa nya.
"Wow, Matalino, Maganda mga sagot..." Sabi nya habang binabasa yung pinunit nyang page. "Akin nalang to hah!" Tapos nagsmirk.
"At sino ka naman para kuhain ang homework ko?" Inis kong sabi.
Mas lumawak ang ngiti nya. "Ako si Luise Rodriguez."
"Oh? Tapos? Ano naman kung ikaw si Luise Rodriguez? Anong karapatan mo para kuhain ang homework ko?" Lahat ng mga kaklase namin nakatingin na samin, Sakin.
Tumawa sya "Ako ang Hari dito sa school na to! May reklamo ka?"
"Oo, may reklamo ako. Hindi kasi ako nainform na ikaw pala ang hari dito. At isa pa, kung nainform man ako, I will not honor you as one!" Inis kong sabi. Nag english pa ako!
Nawala ang ngiti nya. "KANINA MO PA AKO INIINIS SA CANTEEN AH! EH BAKIT BA?! GUSTO KO KUHAIN HOMEWORK MO EH!"
"KANINA MO PARIN INIINIS! IBALIK MO NA KASE!" nakaupo parin ako pero inis na inis na ako. Bwisit tong lalaking to. akala ko pa naman pag galing sa states mababait. lol ano ba nagbigay sakin ng thought na yun?
Tumawa sya bigla. "Nakakatuwa ka pala eh, Bakit ba ayaw mo nalang ibigay sakin to? Kaya mo namang gawin ulit eh." tapos tunawa ulit sya.
Sa sobrang inis ko, binuhos ko na lahat ng galit ko sakanya at sinuntok sya ng nakapalakas. Napadapa sya sa table at agad kong kinuha yung papel. "Because I'm selfish and I don't like sharing it with people who do stupid things. Stupid."
Luise's POV
Kainis, Isang suntok lang ng pesteng babaeng un napunta na ako sa table. Badtrip talaga, napagtripan lang e. babalik ko rin naman yung precious homework nya bwisit talaga.
"Peste!" inis na inis kong sigaw habang hawak hawak yung ice bag na nilalagay ko sa panga ko.
"Cool ka lang." Sabi ni Darce. Minsan Darcy bigkas ko, pero ang tama Dars lol.
Nandito sya ngayon sa kwarto ko, naglalaro sa cellphone nya. Siya yung nagpakalma sakin kanina sa school, tinabihan muna ako dahil baka daw sugudin ko si Jiane, Jiane daw pangalan. tapos yung isa pang bago, Si Alisa. ano ba yan. di ko naman sya susugudin, sa hiya ko lang kay Jenica. lol.
"Alam mo kasi, ayaw nyang pinakekelaman homework nya..." tumawa sya. " Last time na ginawa ko yun sinuntok rin ako. Minsan lang yun magalit pero nanununtok talaga."
"At parang tuwang tuwa ka pa?"
"Hindi naman, mahina lang yung akin eh, di ko akalaing malakas pala yun. Sana pinigilan ko, may pasa ka tuloy." sabi ni Darce. Kahit kelan responsible talaga to.
"Pero interesting yung babaeng yun. Hindi na nga ngumingiti, Palaaway pa!"
"Hindi sya palaaway, at ngumingiti din sya" Seryosing sabi Darce.
"Seriously bro? Sya kinampihan mo?"
Tumayo na sya. "Sya yung... mas pinili kong kampihan. Kasi di katulad mo... Nevermind." Naglakad na papunta sa pinto. "Alis na ako."
Alam ko naman ang ibig sabihin nung Jiane na yun sa canteen. Alam ko din kung bakit mas piniling kampihan ni Darce si Jiane. Kanina tinitignan ko sila, Oo, ngumingiti nga si Jiane... Sakanya. Alam ko namang di na ako ang gusto ni Jenica. After a year, I've got sources. alam ko ang mga nangyayari sakanila. Lahat.
Pero may aasikasuhin pa ako. Si Jiane, Wala kang pake sa pagiging hari ko sa school? Sige.
Jiane's POV
Mangiyak-ngiyak na ako nung hinawakan ni Alisa yung kamay ko. Nandito sila ngayon sa bahay, since ako lang ang tao, Si mama kasi may pinuntahan at sabi, di raw makakauwi ng maaga or baka daw bukas na makauwi. so ayun. Ginagamot nila yung napasaan kong kamay dahil sa panga ng lalaking yun. Di lang makapal ang mukha nya, matigas pa!
"Nakoh, anong ginawa mo. Bukas alasais ka pumasok kung gusto mo pa mabuhay jusko lord sana nagbago na si Luise." Sabi ni Jenica.
"God, ang tigas ng panga ng lalaking yun. Peste. Badtrip"
"Alam mo ba nung tumalikod ka, nakatingin sya sayo tapos biglang ngumisi!" Sabi ni Alisa. "Ewan ko kung sadyang nababaliw na o ano tapos tumayo at ayun na nga."
"Jiane, Please agahan mo bukas ah. Uuwi na kami." sabi ni Jenica.
"Hah?" yung mukha nya concerned na concerned, tumango nalang ako at hinatid sila sa may gate, nagpaalam na sila sakin ay nagsimula nang maglakad.
Pumasok na ako sa loob para kumain at mag-aral dahil wala na din naman akong magagawa. Hinimas himas ko yung ulo ni Den, yung pusa ko. "Hay nakoh Den, may naging masama akong kaklase at kinuha yung homework ko, ayun , nasuntok ko tuloy."
Biglang nagring yung phone ko. tinignan ko. Unknown.
"Hello?"
"Hi"
"Um, Sino po sila?
"I don't know either." Tapos biglang tumawa sa kabilang linya. By that laugh, ok.
"What do you want?"
"Well. good luck tommorow, I guess."
"K."
"Wait, you know me?"
"Mr. Bully. The assignmentnapper"
Tumawa sya. "That's great. Save my number ok? so next time you would know. I'm just concerned so I could at least somehow save your coo coo brain." Then he hung up.
"Bake mono"
[Monster]
Kapal ng mukha. coo coo brain daw. Tch. If i would know, sya ang coo coo brain dyan eh. Tsk. Sinave ko ang number nya, just as he said. Ang I texted him. tinext ko lahat ng galit ko sakanya! Lahat ng curse words! peste kasi sya.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
AN:
Gusto ko po ulit humingi ng patawad sa typo kung may natira pa xD
BINABASA MO ANG
Imperfect Plot Twist
Teen FictionMay mga bagay na sadyang hindi perpekto. Katulad ng mga alon sa dagat, hindi perpekto at sabay sabay ang pagdaloy ng alon sa dalampasigan. Hindi rin ito parepareho ng taas at lakas. May mga dahilan kung bakit ang mga ibang bagay ay sadyang hindi nag...