Luise' POV
"Ano ba Jiane!" Iritable kong reklamo ko sakanya.
Magiisang linggo na nang mangyari ang isang masakit na kaganapan sa buhay at sa pride ko. Este fried chicken ko. Hindi kaya dumating yung order ko sa Jollibee na dapat ay deineliver sa bahay kaya nagreklamo ako sa manager nila. Kaya masakit sa fried chiken yon, with drinks panaman at sundae.
Isang linggo nang umiiwas saamin ni Jiane si Jenica. Hindi ko masabi kung galit sya o ano dahil hindi nya magawang tignan ako sa mata. Nadismaya ba sya saakin? Ang sakit tuloy sa heart. Lalo na kung ang tanging kakampi mo na nakakakita din ng nangyari ay hindi ka pinapansin! Lapastangang Jiane yan! Iniiwasan din ako! Wala akong AIDS! Walang HIV! Walang Flu! Fiesta naman oh! Nakakaasar. Nagpapaturo ako sa mga homeworks at iba pa na usually ay tinutulungan nya ako sa mga ganun pero hindi nya na ginagawa yon! Nakatabi lang sya kay Darce at kapag si Alisa naman ang nagtatanong sinasagot nya naman ang tanong! Kapag ako, ituturo si Darce o si Alisa! Minsan ay galit pa at sasabihing, "Basahin mo kaya!" tapos galit na lalayas. Ano bang problema nya! Tapos pagkakausapin ko pa ay nakasimangot! Kapag si Darce naman ang kausap, malaking ngiti ang nasa labi! Ano to, lokohan? Minsan ay napagtitripan ko syang lokohin, hinawakan ko ang kamay nya at akmang hahalikan pero wala naman talaga akong balak pero agad nya akong sinipa noon sa pinakamaselang parte ng katawan ko! Masakit sa balls! Halos naglumpasay ako sa sahig dahil sa sakit! Kapag napuno na talaga ako sakanya ay isisigaw ko na next monday sa flag ceremony "Mahal ko si Jiane Lean!" Para mamula nanaman ang mukha nya at mapuno sya ng kahihiyan! Maghihiganti ako!
Nakataas ang kilay nyang humarap saakin matapos ako talikuran kanina. Nagrereview kasi kami dahil malapit na ang exam. Sa Thurday na, kahit monday ngayon, at kahit mukhang matagal pa, malapit na yon! Peste talaga dahil ayaw nya talaga akong turuan. Nagtatanong ako ng formula sa Physics, inirapan ako! Nasaan ang katarungan?!
"Ano? Magbasa ka kasi jan!" Tinuro nya si Alisa na seryosong nagbabasa ng textbook nya at nagt-take note pa. "Gayahin mo sya, hindi na nagtatanong kay Darce!" Mataray nyang sabi tsaka padabog na naglakad palabas ng library.
Tumungin ako kay Darce na,may mukhang nagsasabi na 'What-the-fck-is-that-dude' Tinawanan nya ako at mukhang natutuwa pa sya sa mga nakita nya kanikanina lang. "PMS siguro."
"PMS? PMS?! Nakaraang linggo pa yan ah! Gaano ba katagal nireregla ang mga babae at bakit hanggang ngayon ay PMS parin sya?!" Irita kong sabi na nagpatigil kay Alisa at parang natataranta.
Akala nya siguro ay tinatanong ko sya. "T-Three days a-ang m-minimum. K-Kung matagal ay o-one week. P-Pero ang a-alam ko, t-tapos na si Jiane ngayong m-month eh." Nahihiyang sabi ni Alisa at mas namula ang mukha nang mapansin nyang dalawa kami ni Darce ang nakatingin sakanya. Agad nyang tinakpan ng libro ang mukha nya. "M-M-Mag review na tayo!"
Natawa kaming pareho ni Darce sa naging reaksyon ni Alisa at nagsimula na ulit kaming magreview. Nang matatapos na kami ay saktong bumalik na ulit si Jiane at tumabi kay Darce na nagulat dahil sa agad na pagsandal sakanya ni Jiane.
"Hindi pa ba kayo tapos?" Bored na tanong nya at napatingin sa gawi ko. Sinimangutan ko sya at inirapan nya naman ako agad.
"Ah, tapos na." Sabi ni Darce at isinara kaagad ang libro nya. "Magligpit na kayo at uuwi na tayo."
~*~
"Ano bang problema mo sakin ha?!" Inis kong tanong sakanya at sya naman ay parang walang narinig at dirediretso lang sa paglalakad. "Takte yan, Jiane!"
"Ano?" Nakasimangot nyang singhal at humarap saakin.
Natawa ako bigla dahil sa itsura nya. Nakanguso kasi sya at magkasalubong pa ang kilay. Napansin kong bahagyang namula ang pisngi nya pero nakatingin parin saakin. "Ang pangit mo kapag nakasimangot, kaya wag ka sumimangot!" Biro ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Imperfect Plot Twist
Teen FictionMay mga bagay na sadyang hindi perpekto. Katulad ng mga alon sa dagat, hindi perpekto at sabay sabay ang pagdaloy ng alon sa dalampasigan. Hindi rin ito parepareho ng taas at lakas. May mga dahilan kung bakit ang mga ibang bagay ay sadyang hindi nag...