Nung lingo ng umaga tinawagan ako ni Darce at sinabing bumaba na daw lagnat ni Jiane kaya ok na sya. Mukha daw nakatulong yung pagluto ko ng pizza. Nangbola pa diba? Sabi nya rin na tumawag yung mama nya nung hapon at nung nalamang may sakit sya nagpadala daw kaagad ng katulong. Kinuwento rin sakin ni Darce na ayaw daw ni Jiane na may katulong kasi daw ayaw nya daw na nakadepende nalang sya sa luto ng katulong. Kwento rin ni Darce na nagout of town ang mama nya at kaya nagpadala ng katulong kasi mas matatagalan daw ang mama niya bago makabalik. So ngayon magisa lang si Jiane sa bahay nila kasama ang katulong.
Ngayong monday makakapasok na daw si Jiane. Ang aga ko ata pumasok sa school. Wala pang masyadong estudyante eh.
Ngayong monday, naka white polo na ako at dark brown na pants at black shoes pero yung buhok ko ganun parin. Tinangal ko na rin pierce ko. at nag neck tie narin ako. Napagalitan kasi ako last week. Pero tuwing monday lang naman sila nagchecheck at thursday kasi pag friday, kahit ano suotin.
Pag dating ko sa room Si Jiane palang tao. Ang aga naman nya. Nakaupo sya sa upuan nya nakapangalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi nya atang napansin ang pagpasok ko.
Kausapin ko na kaya sya para makapag sorry ako? Huminga ako ng malalim at tumayo at pumunta sa harap nya.
"Jiane." Nagulat sya at biglang napatingin sakin. May gasgas parin ang pisngi niya at yung mga braso nya at binti. Nakakaguilty!! Huminga ako ng malalim. "Sorry."
Nagtataka ata sya. Nag frown sya. "Ha? Para saan?"
Para saan? Nakalimutan na ba nya? Ano bang klaseng memorya meron tong babaeng to? Parang Gold fish!
"Ganyan ba nadudulot pag nagkakaron ng mataas na lagnat?" Ngumiti ako. Nakatingin parin sya sakin at mukhang nakalimutan na nya talaga. "Ako ang may gawa nyan..." at hinawakan yung isang pisngi nya. " At nyan..." at yung kabila. "At eto..." yung isang braso. "At tsaka eto..." at yung isa. "Pati yang mga yan..." At tinuri yung binti nya. Nakasuot sya ng mahabang medyas.
Nakatingin lang sya sakin kaya tinignan ko lang din sya. mga ilang minuto, tumingin sya palayo. "Ok lang."
"Yun lang? Hindi mo ba ako bubunga-ngan or gagantihan? Sasampalin? Susuntuhin? o ano?" Nakatingin ulit sya labas ng bintana kaya tinignan ko rin yung tinitignan nya. Nakatingin sya sa isang malaking puno. Tinignan ko sya ulit
She sighed. "Oo. Yun lang." Tumingin sya sakin. "Kung ikaw ba tatanungin ko, may magagawa pa ba ang sampal ko? o suntok?"
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ako makahanap ng tamang mga salita na pede kong isagot sa tanong nya.
"Wala namang magaawa yung sampal o suntok ko eh. Hindi naman nun mababalik yung oras para makatakbo ako paalis sa gate at maiwasan yung gagawin nila sakin. Masasaktan ka pa."
Hinawakan ko yung noo nya. Hindi na mainit. Yung ilalim ng baba, hindi narin. pati pisngi hindi na rin mainit. Wala na nga syang lagnat. Tumingin ako sa paligid, wala paring tao. Tinignan ko sya. Nakatingin ulit sya sa puno.
"Sorry. Sorry talaga hindi naman ganun yung sinabi kong gawin nila sayo, sinobrahan nila. Sorry talaga hindi naman ako ganun kasama Ang sabi ko lang naman--" Pinutol nya yung sasabihin ko.
"Ok lang yun sakin. Hindi naman ako galit sayo." Tumingin ulit sya sakin. "Tsaka hindi ka dapat sakin humingi ng tawad. Dapat sa mga taong pinagmukha mong masama at sa mga taong nagalit sayo." Sabi nya tsaka sumandal at yumuko.
"You mean, sila Darce, Alisa st Jenica?"
"Oo, tsaka yung mga inutusan mo. Sila yung nagmukhang masama. Kung mapatawag mag sila sa guidance dapat panagutan mo."
Grabe. Mga words nya para namang nakabuntis ako o ano. Hindi ko tuloy alam sasabihin ko kasi ang seryoso nya tapos... tsk.
"Nakaraan pa kita napatawad kahit hindi ka pa humihingi ng sorry kaya bumalik ka na sa upuan mo nakakapagod din kayang tumayo." Mabilis nya sabi tsaka tumingin sakin at ngumiti.
Tumango ako at sinunod sya. Narinig kong bumulong sya 'Masmaganda parin naman ako kay bakekang' kaya medyo natawa ako.
Anong nangyari dun? Mood shift. Maya maya ay nagdatingan na isa isa yung mga kaklase namin at nung nakita si Jiane eh nagtanung kung anong nangyari ang sabi nya lang eh wala daw. Nung dumating si Melany si Jiane agad ang pinuntahan at tinanong kung ok na sya ang sagot nya naman ay oo. Nginitian lang ako ni Melany nung nakita nya ako kaya ngumiti din ako.
Nang dumating na yung tatlo Nagkwentuhan na sila, mukhang ang saya saya nila. Pero si Jiane nakikinig lang sakanila at hindi nagsasalita.
At nagsimula nanaman ang araw ko dahil may mga kumakausap nanaman sakin tungkol sa kung ano ano.
Jiane's POV
Aware ako sa lahat ng nangyari nung may sakit ako. Kaya Sabi ko sa kanilang tatlo na libre ko sila sa lunch break dahil sa pagaalaga nila sakin. Niyaya ko din si Melany kaso sabi nya may baon daw sya at si Luise, Sa susunod na.
Nung nakita ko si Carl nung umaga, nag thank you ako sakanya kasi kwento sakin ni Dar na si Carl daw ang tumawag sakanilang tatlo. Nagkwentuhan kami saglit at sabi nya hindi nya daw alam na nagkasakit ako nag sorry sya kasi di daw sya naka bisita pero sabi ko ok lang at yun kasi hindi pa naman ako mamamatay. Sabi ko sakanya, dapat syang magsorry sakin kung mamamatay na ako at di nya parin ako binsita kaya tumawa sya.
Nung hapon nagaral kami sa library sabay sabay dahil nga sa request ni Alisa. Hinatid kami isa isa ni Dar at ako ang inuna para daw makapagpahinga na daw ako. Ayaw ko sana pumagay kaso tatlo kalaban eh. Dalawa lang ako, este Isa lang ako.
Pagkauwi ko sa bahay nakaluto na yung bagong katulong si Ate Risa, kaya kumain na ako. Pagkakatapos ko maligo tinutulungan nya ako gamutin yung mga sugat ko. Kinukwento ko sakanya yung nangyare kaya sabi nya magiingat daw ako. Mabait naman si ate Risa. Nung gabi tumawag si Mama para kamustahin ako, sabi ko naman na ok na ako at sinabi ko rin sakanya ang nangyari pero di ko sinabi na inutos ni Luise yun, ang sabi ko lang eh naghiganti sakin mga 'fans' nya at ayun. Sabi nya bibili daw sya ng maraming pangalis ng scar though wala namang scar dahil gasgas lang ang karamihan. tapos sabi nya kung gusto ko daw gawin yung lotion pedeng pede daw pero sabi ko kahit hindi na pero sabi nya parin na bibili parin sya ng maraming ganun daw. Kung ano anong pinapagamit sakin ni mama. jusko. Nung matutulog na ako nagpaalam na ako kaya dun nagtapos ang call na yun.
Pero hindi parin ako makatulog hanggang 9:30 Tapos biglang nagring yung phone ko ulit at may tumatawag.
Si Luise.
BINABASA MO ANG
Imperfect Plot Twist
Teen FictionMay mga bagay na sadyang hindi perpekto. Katulad ng mga alon sa dagat, hindi perpekto at sabay sabay ang pagdaloy ng alon sa dalampasigan. Hindi rin ito parepareho ng taas at lakas. May mga dahilan kung bakit ang mga ibang bagay ay sadyang hindi nag...