Chapter 14

34 4 2
                                    

"Wala akong alam." Agad kong sinabi para matigilan sila sa pagtatanong saakin.

Nagtatakang nakatingin saamin si Cris. Si Jenica naman ay nakangisi habang pinapanood kaming lahat na gulat na gulat. Nasaan ang katarungan Jenica? Bakit mo kami pinapanood lang habang nakangisi?

"Lin, as in L-I-N," sabi ni Jenica at tumawa. "Nagulat kayo noh? Ako rin nung una, akala ko kapatid o pinsan or whatever sya ni Jiane." Sabi nya at ngumiti ng napakalawak. Naalala ko yung caption nung picture na nakita ko kagabi sa facebook, "Grabe ang ngiti, hanggang tenga!" napatingin ako nun sa picture at ang ngiti nung babaeng nasapicture ay parang kay Jenica ngayon. Paano kaya kung hanggang tenga talaga ang maabot ng mga ngiti? Hindi ba, parang nakakatakot naman tignan yun?

Lahat sila ay pinakawalan na ang hiningang kanina pa pinipigilan. At ako rin. Bakit ko nga ba pinipigilan? So makapigil hininga pala ang scene kanina? Remarkable! Dapat may nag video samin para makita namin ang mga expression ng mga mukha namin. Bwahaha. Oppsie.

"Akala ko, nawawalang kapatid na ni Jiane si Cris!" Sabi ni Darce habang awkward na tumatawa magisa. Kawawa naman sya, kaya tatawa nalang rin ako para less awkward.

Umupo na sina Jenica at Cris. Lahat kami ay nakaupo lang at nakatingin sakanilang dalawa, samantalang sila naman ay nakatingin lang din saamin. Awkward Silence. Nakakabingi daw ang katahimikan? Buti di ako nabibingi sa bahay!

"Pwede ba kaming magbato ng maraming katanungan sa boyfriend mo Jenica?" Tanong ko dahil mukhang walang magbabalak na bumasag ng katahimikan. Unang una, dahil nandito si Luise, at pangalawa dahil sa presensya ni Jen. At hindi ko alam kung bakit ko binilang ang mga to

"Oo naman! Nasabi ko narin sakanya na sigurado akong marami kayong tanong kaya handa na sya!" Masayang sagot ni Jenica. Ngumiti naman si Cris bilang pagsangayon. So plamado na? Ibigsabihin dim ba nito ay planado na ang mga sagot?

"Paano mo nagustohan si Jenica?" Agad na tanong ni Alisa.

"Paano ka nanligaw kay Jenica?" Sinunod agad na tanong ni Darce.

"Bakit mo sya minahal?" Mahinang tanong ni Luise na nakayuko sa libro.

"Ah, h-hindi ko talaga alam kung paano pero isang araw," Ngumiti sya habang nakatingin kay Jenica, nakangiti lang din si Jenica. Matatamis na ngiti. Pwe, bitter ako!"Isang araw, parang may nagsabi saakin na 'gawin mo na lahat ng makakaya mo para sa huli ay hindi ka magsisi.'"

Kinamot ni Cris ang ulo nya at ngumisi na parabang may kahihiyan syang sasabihin ngayon."Tinext ko sya, chinat at tuwing nakakasalubung ko sya ay binibigyan ko ng sulat." Tumawa ulit si Cris at parang inaalala nya ang mga ginawa nya para kay Jenica.

"Bakit mo sya minahal?" mahinahong tanong ulit ni Luise habang nakatitig sa teskto sa aklat.

"Hindi ba't wala namang dapat na dahilan para mahalin mo ang isang tao?" Agad na sagot ni Cris, biglang may namuong maliit na ngiti sa makapal nyang labi at para bang sinasakal nya na si Luise sa kanyang isip.

Walang imik si Luise na sumandal sa braso ko. "Sana alam yan ng lahat ng tao."

"Sana." Pagsangayon ni Darce.

"Ako na ang magtatanong!" sabi ko kaya lahat sila ay naghihintay nang magtanong ako. Pati si Luise na nakasandal saakin ay iniangat ang ulo nya at tinignan ako.

Tinignan kong mabuti si Cris. "Mahal mo ba talaga si Jenica?"

Gulat ang expresyon ni Cris. Lahat sila ay nagulat at halos mapanganga sila na parabang may sinabi ako tungkol sa kadugyutan sa harap ng hapag. Maaari ring i-ugnay ang nangyayaring ito sa isang formal party at pumunta ka duong nakasuot ng bunny costume. Hindi ba't awkward? Pero mas awkward kung bumanat ka at ikaw lang ang tumawa magisa sa joke mo.

Ngumiti ng kaunti si Cris at parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Si Jenica naman ay hinihintay ring sumagot si Cris. Lumunok si Cris ng kanyang laway na naipon dahil sa pagkagulat sa tanong ko.

"O-Oo naman! Hindi ko naman sya liligawan kung hindi ko sya mahal diba?" Sagot ni Cris habang tila ba'y pinipilit na tumawa. Oh?

Biglang tumawa si Jenica. "Ano ka ba naman Jiane! Bakit mo pa tinanong yon?"

"Syempre, halos lahat sila tungkol sa pagmamahal ang tanong, wala nang ibang magandang tanong eh. Alangan namang tanungin ko sya kung tumatae ba sya araw araw ng regular? O kaya naman eh tanungin ko naghihilod ba sya ng katawan? Hindi ba't parang ang weird naman nun?" Sabi ko. Nagtawanan silang lahat at natahimik agad dahil bigla kaming sinita ng librarian na "Silence!" ngunit naghagikhikan parin sila ng mahina at nagpipigil ng tawa. Good Luck sakanila, pagkakaalam ko eh kapag nagpagil ka ng tawa ay mau-utot ka. Sino kaya ang unang uutot sakanila?

***

Pagkauwian ay sabay sabay kaming anim na umuwi, nagkahiwalay din nang si Jenica ay sinamahang umuwi ng bf nya. Si Darce ang kasabay ko ngayon at ihahatid daw ako. Sabi nya, matagal na daw kasi na hindi nya ako naihahatid pauwi kaya sya naman daw muna ang kasama ko, pumayag din naman si Luise dahil may paguusapan daw sila ni Alisa.

Habang nasadaan kami ay pinapagusapan namin ang star wars at kung paano kami manghang-mangha duon noong bata pa kami. Masaya sya habang naglalakad at pati narin ako ay nahahawa sa mga tawa nya.

"Anong tingin mo kay Cris?" Out of the blue, natanong nya. Medyo sumeryoso ang mukha nya.

"Give your first impression first." Sabi ko.

"Medyo, hindi ko sya gusto." Sabi ni Dar habang medyo nakangiwi ang labi. "Saatin lang to ah, wag sasabihin kay Jenica! Magagalit sya!

"Yan din ang impression ko. Pero siguro nasasabi lang natin yan kasi hindi pa natin kilala si Cris." Nasa bahay tapat ng bahay na pala kami.

"Yan," Sabi ni Darce at ngumiti. "Yan ang gusto ko sayo eh." Ginulo nya ang buhok ko. "Hindi ka basta nanghuhusga ng tao."

Nginitian ko sya. "May mga libro kasing pangit ang cover pero maganda ang laman, at meron ding maganda ang cover pero pangit ang laman. Syempre, kung may librong ganun pati sa tao ay meron din."

Ngumiti sya. Kapag kasama ko si Dar at kahit katabi ko lang sya sa upuan, feeling ko safe ako. Syempre, sa liit kong to, feeling safe talaga ako kasi ang tangkad ni Darce. Pero kapag ngumingiti sya, napapangiti rin ako.

"May gusto sana akong sabihin sayo, kaso baka hindi pa ito ang tamang oras at hindi karin intresado sa mga ganung bagay." Sabi nya at nagpaalam na at tumakbo palayo.

Could it be?

Nah! Not a chance! Sa mukha palang bagsak na! Mukhang ang mga type panaman ni Dar ay yung katulad ni Jenica! Bawi nalang sa grades!

~*~*~*~*~*~

AN:
Hi po, did you enjoy reading or not? Feel free to express your thoughts about my story!
Char! Wow, english I'm noseblood! Just kidding! Haha,
So, maaari po na last update ko na to ngayong taon. Malapit na New Year! XD
Magsosorry po ako sa Typos at mukhang magiging busy at matagal ang UD xD
Huling Update ngayong 2014! Wohhh~
Thanks for Reading my story~! Mwah~
TY

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon