Chapter 3

64 5 2
                                    

"Mr. Rosales." tawag ng values teacher namin habang nakatingin sa record book nya. Tumayo naman si Darce at pinapunta sya dun at mukhang may pinapakita sakanya si Maam.

Kakatapos lang ng First quarter exam. At mukhang nagsasaya na ang lahat dahil nakatapos na ng exam. Good Luck nalang saaming lahat sa pagpapakita ng grades.

Umupo na sa tabi ko si Darce at mukhang may iniisip sya. Nakatitig sa kawalan.

"Dar." bulong ko sakanya ngunit parang wala syang narinig. Bumulong ulit ako sakanya pero ganun parin. Bumulong ulit ako pero this time, kinalabit ko na sya. Napatingin sya bigla sakin at parang nagulat. "Oh, ano yun?"

Umiling ako. Ngumiti sya ng nakakaloko. "Ano yun? Sabihin mo na." Nakangiti parin sya sakin habang ako nakatitig lang sakanya. "Curious lang, nakita mo ba grade ko? or mo?"

Tumawa sya lang mahina tapos hinawakan young ulo ko at ginulo yung buhok ko. Palagi nya young ginagawa tuwing magkausap kami at natawa sya sakin, Ewan ko kung bakit. Porket matangkad lang sya at kahit kailan pede nyang hawakan ulo kasi abot nya, at porket maliit lang ako at di maabot maski bangs man lang nya!

"Ayan naman yang mukha mo kapag ginugulo ko yung buhok mo!" binalik nya na yung kamay nya sa desk tapos tumawa sya ng mahina. "Hindi ko nakita maski kaninong grade."

Tinignan ko sya, at nagpapasalamat ako na nakaupo sya dahil kung hindi medyo titingala na ako, balikat nya lang ako eh. "Bakit mo kasi lagi ginugulo buhok ko?"

"Natutuwa lang akong guluhin yung buhok mo, ang liit mo kasi." Sagot nya at tinalikuran na ako. Nagawa pang manlait.

"Porket matangkad ka lang... Tatangkad din ako balangaraw..." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa black board na green ang kulay at hindi black. nakaupo lang teacher, nag co-compute ng grade habang kami naman ay may sari-sariling ginagawa.

"Oh?" Hindi ko napansin na sakin na pala nakaharap si Darce at hindi ko alam na narinig nya pala yung 'binulong' ko, or narinig nya nga ba? "Hah?"

"Nako naman, akala mo hindi ko narinig yung binulong mo, katabi mo lang kaya ako." Nakangiti nyang sabi.

"Oh, tapos?"

"Gusto ko pag tumangkad ka, nandun ako..." nakangiti parin sya at nakatingin saakin.

"H-hah?" nauutal na tanong ko. Ano ba ito? May magaganap na ba na isang confession? Omg.

"Wala..." Sabi nya tapos pinoke nya yung noo ko biglaan kaya nagulat ako. "soportahan kita sa pagpapatangkad mo."

"Sa paanong paraan?" Nagtataka kong tanong sakanya. Ipapahila nya ba sa dalawang buldoser and mga paa at kamay ko para umunat ako at tumangkad?

"Taon taon, tuwing New Year, papatalunin kita." Sabi nya habang nakangisi.

"Saan?" Tanong ko. "Sa bangin?"

Nagulat sya sa sinabi kp at natawa. "Hindi naman kita balak patayin, pero ma-mamangha ako kapag nakayanan mong tumalon sa bangin taon taon at mabuhay." Sabi nya tsaka humarap na sa "Black" Board.

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon