Chapter 4

52 4 2
                                    

"Jiaaaaaaaaaaannnnnneeeee!!!!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko at nakita ko si Alisa na tumatakbo papunta sakin. Tumigil nalang ako para hintayin sya. "Good morning Jiane!" Ngiting ngiti na bati ni Alisa.

"Good morning!" Bati ko at nagsimula na kaming maglakad papasok ng gate. "Mukhang masaya ka ngayon ah!"

"Syempre!! Release ngayon ng bagong episode ng anime na pabirito ko!" Sabi nya habang kumikintab ang mga mata. "Hindi na ako makapaghintay! Gusto ko na sana hapon na para madownload ko na!!"

Mahilig tong isang 'to sa anime at manga, nung isang araw nasa bahay kami ni Alisa kasama ko si Jenica, ang dami nyang poster ng anime nakadikit sa wall ng room nya, malaki room nya tapos halos di mo na makita yung design ng wall kasi natakpan na ng sandamakmak na poster , tapos madami syang Manga series nakasalansan sa book shelves nya, oo mayaman sya dahil marami syang pambili ng manga at mga libro at mga external hard drive na lalagyan nya ng anime. Pinakita nya pa samin yung isang maliit na kwarto na dapat daw ay storage room, naging anime corner na kasi dun nakaayos lahat ng anime merchandise na binili nya halos mapuno na yung room at mahal nya lahat ng nakalagay dun. Hardcore otaku.

Pumasok na kami sa room nya habang kumikintab parin ang mga mata nya, ako naman ay inaantok pa.

"Wow, mukhang excited na excited ka Alisa ah!" Bati ni Jenica habang nakangiti. "Good morning!"

Si Jenica, isa sa kaibigan namin, otaku rin pero di katulad ni Alisa, bookwork din sya at kung makakapunta ka sa bahay ni Jenica, sa attic nila ang punong puno ng libro, kung ano anong klase ng libro ang nanduon, Classic, adventure, fictional, non fic, meron ding mga aklat na magagamit sa pag-aaral. Dito lang ako nakakita ng mayayamang nagaaral sa public. Ako, nga nga. Kailangan ko muna magipon ng isang taon para makabili ng aklat. Ang saklap.

"Jenica!! Ohayo Gusaimasu!!" masayang masayang bati ni Alisa. Naiintindihan ko naman ang Japanese kasi nanonood din ako ng anime, minsan. Hihi.

[Good Morning]

Umupo na kami sa mga upuan namin, si Jenica at Alisa magkatabi simula pa nung unang pasukan, pati kami ni Darce.

"Kayo talagang mga addict sa anime..." Sabi ni Darce ng mahina kahit wala pang teacher.

"Anong kami?" tanong ko.

Napatingin sya sakin tapos ngumiti. "Narinig mo pa pala yun, akala ko hindi na..." He poked my head. "Hininaan ko na nga boses ko eh."

"Kasalanan ko ba kung narinig ko?" Sabi ko tapos tumingin sa sahig at nag-pout. Ginulo nya nanaman yung buhok kong nakalugay. "Hindi naman. Eto talaga"

Nagsimula na yung klase para sa second quarter at nag annouce yung Class Advicer namin na maydadating daw na transfery student galing sa private school next week. Nagbulungan ang karamihan sinasabing 'Babalik na kaya sya?' 'Sya kaya yung tinutukoy?' 'Baka ok na ulit kaya babalik na ulit sya?' Nac-curious ako kasi parang halos lahat sila alam, Si Alisa nagtataka din siguro kasi parang wala din syang alam kasi parehas kaming transfery. Si Darce naman normal lang, napangisi lang nang narinig yung mga bulungan.

Natapos na lahat ng klase pang-umaga at lunch break na pero 'Sya' na hindi ko kilala parin ang pinaguusapan.

Pumunta na kaming apat--Ako, Alisa, Jenica, Darce-- sa canteen at bumili na ng pagkain, nauna na sila Jenica at Darce sa table at mukhang may pinaguusapan kaya kami nalang ni Alisa ang naiwang pumipili pa ng pagkain.

"Ano kaya yung pinag-uusapan nila?" Tanong ni Alisa habang pumipili ng pagkain. This time, marami na syang hawak sa kamay nya.

"Hindi ko din alam, pareho tayong transfery student noh, kaya di ko din alam." Tumango tango sya tapos kinuha yung kanina nya pang tinitignang nakaplastic na kakanin at binayaran. Ang binili ko lang ay Burger at orange juice pero sinamahan ko lang sya bumili ng pagkain nya.

"Narinig ko pinagkukwentuhan nila Andrea at Jeremiah na baka daw si Luise na talaga yun, Hindi ko parin sya kilala eh, yung Luise." Sabi nya habang naglalakad kami ng mabagal papunta sa table nila Dar. "Ako rin."

"Hoy, dalian nyong maglakad at nang makakain na tayo!" Sigaw ni Jenica kaya binilisan na namin, marami paring nagdadatingang istudyante para kumain, at yung iba tumatayo na pagkatapos at nililigpit ng malinis ang table, disiplinado ang mga estudyante dito, nakakatuwa.

Nagsimula na kami kumain, tahimik kaming lahat nakatingin sa pagkain namin.

"Sino si Luise?" Tanong ni Alisa tapos kinagat yung kakanin nyang binili at nakatingin kila Jenica at Darce. Nakatingin lang din ako sakanila, naghihintay ng sagot habang ngumunguya.

Napatingin sa ibang dereksyon si Jenica. Si Darce naman sa pagkain nya. "Um/Ah" Sabay nilang sabi.

"Hayaku! Hayaku!"

[Faster/Quickly/Hurry]

"He is..." Putol na sagot ni Jenica. "He is what? Nani?! Tell me... Tell us..." medyo napalakas na tanong ni Alisa kaya medyo napatingin yung ibang estudyante sa dereksyon namin. [what?]

"Nandemonai." Sagot ni Jenica tapos ngumiti saamin, fake smile.

[Nothing]

Nag sigh si Darce. "Pasalamat kayo at Half Japanese ang mama ko kaya naiintindihan ko yan." Tuloy sa pagkain si Darce. Si Alisa naman, kumakain parin pero nakatingin kay Jenica na kumakaing nakayuko, ako naman kumakain parin at malapit nang matapos.

"Barkada ko dati yun si Luise tapos lumipat ng school, sa ibang bansa at di na namin sya nacontact." Sabi ni darce ng nakangiti. Medyo ironic kasi ang sad ng tono nya tapos nakangiti sya. Tumingin sakanya si Jenica at yumuko ulit.

Alisa gasped. "Jenica!!" Napatingin lahat ng tao sakanya kasi napatayo pa sya, tapos nagsorry sya at umupo ulit. "Jenica... Is Luise the guy you told me na ex mo?" Pabulong na tanong ni Alisa.

Binatukan ni Darce si Alisa tapos nag pout si Alisa tapos sumandal sa upuan tapos narinig kong bulong nya 'I'm just curious...'

Ganyang talaga si Alisa, matampuhin, ang cute cute nya pa magtampo pero cute sya mag pout di katulad ng iba na parang pwet ng manok kung ngumuso. Opps, sorry.

"Mamaya natin to paguusapan, kumain na muna tayo." Sabi ni Jenica tapos ngumiti ulit.

I don't know anything, pero baka nga tama yung tanong ni Alisa kaya sya binatukan ni Dar. Nako, dahil sa sinabi ni Darce, alam ko bad boy na kaagad yung Luise na yun. Or so.

~*~*~*~*~*~*~
AN:
Gusto ko pang humingi ng paumanhin sa typo at wrong spelling kung meron man. XD At pasensya narin sa magulong way of writing   v^_^

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon