Chapter 19

21 4 0
                                    

AN:
Hi po,  gusto ko pong humingi ng paumanhin sa madaming typo dahil hindi ko po yan narecheck dahil gabi na xD At may Seminar workshop pa po kami.
Nakakalungkot po ang nangyayari. Huhu.
Nahihirapan akong magsulat ng POV ng lalaki dahil sadyang ipinanganak akong babae xD Paiba iba din po ang mood at tone ng story. Napuputol putol po kasi ang pagsulat ko. minsan, good mood ako kaya pinagkakatuwaan ko ang mga thoughts ng mga character. Pero minsan melancholic ako kaya yun. Mwehehe sorry po!
THANK YOU for reading up until now! I hope you support this story! :) I hope you like it xD hihi

**********************************

Luise' POV

Pumasok ako ng maaga para walang masyadong makakita ng mukha kong natakpan na ng band aid. Tinadtad ni Mom ang mukha ko ng band aid bago ako pumasok dahil daw hindi magandang malagyan ng bacteria ang sugat. Agree naman ako sakanya, kaso ang hindi ko matanggap ay nilagyan nya ng band aid maski ang maliit na scratch na makita nya. Jusko po. Pagkagaling ko sa bahay nila Jiane ay nagulat ako dahil nagaantay si Mom sa bahay. Nagpasalamat sya dahil nagamot daw ang sugat ko at feeling ko nailagay ako sa intterogation dahil tuloy tuloy na tanong ang ibinato ni Mom saakin.

Pagkadating ko sa room, may babae nang nakaupo. As usual, mas maaga parin pumasok si Jiane kesa saakin. Nakapangalumbaba lang sya sa upuan nya at nakatingin lang sa labas. Hindi nya napansin ang pagpasok ko kaya umupo nalang muna ako sa upuan ko.

Pinagmamasdan ko lang sya. Nakatingin lang sya sa labas at paminsan minsan ay humihinga ng malalim. May iniisip sigurong malalim. Napagtanto ko habang ginagamot nya ang sugat ko sa bahay nila na ipagkakalat ko nalang sa buong campus na may gusto ako sakanya kapag natripan ko. Ang una namang pumapasok sa isip nya ay binibiro ko lang sya.

Dumating si Amiel at nagulat sa itsura ko. "Anong nangyari sayo Luise?!"

Napatingin saakin si Jiane matapos marinig ang pangalan ko. Nginitian ko sya. Tamad na ngiti lang ang ibinalik nya saakin at ibinalik ang atensyon sa kanina nya pang tinitignan at huminga ng malalim. Emotera!

Ibinaling ko na ang tingin ko kay Amiel na nasa tabi ko na. "Napaaway lang."

Tumawa sya. "Kanino at bakit ka naman napaaway?"

Sa angry birds na giraffe na daga na tuko na paniki na ahas na boyfriend ni Jenica.

"Sa isang hindi kanais-nais na nilalang dahil sa kanyang hindi kanais nais na paguugali." Nakangiti kong sagot at napatingin ulit sa gawi ng babaeng nakatingin parin sa labas.

"Kanina ka pa napapatingin kay Jiane, may nangyari ba?" Bulong ni Amiel na nakatingin din kay Jiane.

"Wala naman." sagot ko at kumuha ng notebook para magreview dahil wala na ako magawa.

Tumawa ng mahina si Amiel. "Sige, tatanggapin ko ang iyong kasagutan." Ibinaling na nya ang atensyon nya sa librong ikinukwento nya saakin nakaraang lingo pa.

Nagdatingin narin ang ibang mga kaklase at parehas ang mga tanong nila. Sinagot ko din sila katulad ng sagot ko kay Amiel kanina. Nang dumating si Alisa ay nagtanong din pero ganoon din ang isi agot ko sakanya. Si Darce ay nagulat nang napatingin saakin pero hindi na sya nagtanong.

Nakakapagod talaga maging gwapo! Kapag may nangyari sayo, may mga malalanding aaligid sayo at magtatanong kung anong nangyari kunwari ay concern yun pala para mapansin lang kasi malandi. Magiging concern sila sayo dahil lang sa kagwapuhan! Hay! Mas okay pa ang concern na ipinakikita ng apat na kakaibang nilalang na palagi kong kasama sa library. Masama na kung masama. Sorry po! Hindi ko naman inaayawan ang pagkagwapo, because its a gift! LOL

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon