Chapter 1

91 5 1
                                    

Unang-una sa lahat, hindi perpekto ang buhay ko.

Mapangit ako. Pango ang ilong. Hindi maputi. Chubby. Hindi matangkad pero hindi ako maliit na maliit.

Hindi ako matalino. average na parang hindi. naga-aaral ako ng mabuti kung kailan ko gusto at minsan pag tinamad na ako. wala na talaga.

Hindi ako mayaman. Tamang makabili ng mga kailangan at gusto. Tamang makakain. Pero hindi kami yung tipong nagtatapon ng pera sa walang kwentang bagay. Kinakapos din kami, at palagi yun nangyayari.

Wala akong maayos na gadgets. Kasi una, laptop ko, sira battery, walang anti virus, pero ok naman(at binigyan ako ng bago). Tablet ko sira na rin battery. Cp ko bulok(pero tatlo cp ko).

Nakatira ako sa maliit na bahay. maliit sa kwarto ko pero hindi ganun kaliit. Makalat pati. At minsan pag sinisipag, nagaayos din.

Wala akong maayos na pamilya. Paano ko nasabi? Kasi hindi kasal mama at papa ko. May anak sa una ang papa ko na apat. dalawang babae at dalawang lalaki. Galit saakin ang half ate kong isa. ewan kung bakit. Mga half kuya ko mababait naman, kahit papaano. Hindi kami close ng mga kapatid ko.

Mapangit sulat ko. Magulo notebook ko. Maraming nakaipit na kung ano ano. Luray luray ang sulat kasi mabilis magsalita mga teacher. Nasanay na rin akong mabilis mag sulat at mapangit pati.

Marunong ako tumugtog ng gitara. Kaya kong tugtugin ang Crazier ni Taylor Swift, Speak now, at iba pa. Pero hindi ko kayang tugtugin ang buong kanta. Ewan ko kung bakit. Marunong ako mag flute, natuto ako dahil sa MAPEH lesson namin noon. Marunong ako mag Piano kaso di rin ako marunong tumugtog ng maayos. Ang galing ko diba?

Palipat lipat ako ng school every year. Ngayong 4th year na ako, graduation na. pero sa March pa. June palang ngayon. excited ako.

Kakalipat ko lang sa school na to. Dahil lipat ako ng lipat ng school, wala akong nagiging permanenteng kaibigan. Mababait naman mga nagiging kaklase ko. Ewan ko lang ngayon. Sana oo, 2nd week palang ng klase at wala pa akong kilala. Nakalimutan ko na agad mga pangalan nila nung nagpakilala sila nung first day. Mukhang simula first year magkakasama na sila kaya magkakakilala na sila. May mga barkada. Ako Nganga.

Weekends na ngayon. Tapos ko na homeworks. Hayahay lang muna ngayon.

"Bumangon ka na at kakain na tayo." Sabi ni mama nung dumaan siya sa may pintuan ko. "Opo."

Bumangon na ako, kasi kanina pa ako nakatunganga sa kisame. Kanina ko pa nalalasahan ang panis kong laway. Kanina pa ako nakahiga ng may magulong buhok. Kanina pa ako nakahiga ng may muta at lahat na. Kaya dumeretso na ako sa cr para magayos.

***

"Mama,"

"Bakit?"

"Maitim ba kili-kili ko?" sabi ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin at ineexamin ang kilikili. Nakaupo si mama sa sofa naga fb sa cp nya. Malapit lang ang salamin sa sala kaya nakikita niya rin akong nakataas ang kamay at tinitignan ang kili-kili.

"Kakulay ng balat mo." sagot nya. "Ok." binaba ko na kamay ko at tumabi sakanya at sinandalan sya. Komportable ako kapag nasa tabi ko si Mama.

"Bilhan mo ako ng deodorant ah, mauubos na kasi. Thank You." sabi ko habang nakasandal.

"Ubusin mo muna. Puro ka pa bili. Tsaka na pag ubus mo na." sagot nya habang dinudutdut cp nya.

"Oreo nalang." sabi ko. "Ikaw na bumili. May pera ka naman, at tsaka mag diet ka na, pano ka magkakaboyfriend nyan! 16 ka na!" sabi nya habang nakatingin sa cp nya. Tinitignan ko lang rin screen ng cp nya.

"Pero ayoko pa mag boyfriend. Gusto ko Oreo. Boyfriend ko yung Oreo. At 16 palang ako."

"Ay nako, ikaw na bumili nyang oreo mo. Magluluto na ako." umalis na sya kaya naiwan na ako nakasandal sa sofa.

Diet is a style of eating. Hindi ibigsabihin ng diet ay pagpapapayat. Pero ang nasaisipi ng mga tao pag sinabing "diet" ay pagpapa-payat.

Pumunta ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko at naglaro ng online game na nilalaro ko palagi kapag boring. Pampalipas oras. 

~*~*~*~*~*~*~*~

AN:

Gusto ko lang humingi ng patawad sa maraming typos. MARAMI.
Feel free po to correct the wrong spellings and typos!
TY<3

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon