Chapter 13

41 4 1
                                    

Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa saakin ni Luise last week! Isa syang malaki at maputing paniki! Isa syang two-legged horse! Isa syang malaking asungot!

Hindi ko akalaing pagtapos nya bumulong eh ihuhulog nya talaga ako sa pool! Binuhat nya ako ng mabilisan at pagtapos ay pinalipad ako sa pool! Ganoon nalang ba talaga ako kagaan?! Tapos para akong isang magaang papel na bumagsak sa pool! Edi basang basa ang damit ko pag-ahon ko! Tinatawanan pa nila ako! Buti may hagdan yung pool! Pero nakakainis! Ako lang yung hinagis nya sa pool! Yung iba voluntary! Pagtapos nila magtampisaw sa pool, basang basa kaming pumunta sa loob ng bahay at kanya kanyang kwarto, naligo kami. Apat lang ang kwarto kasama na yung kwarto ni Luise. Yung isa daw ay sa basement maliligo kasi may cr din daw duon. Ako ang malas na napunta sa basement. Pagtapos ko maligo ay nalock pa yung pinto, feeling ko tuloy nasa horror film ako! Tapos kumakalampag pa yung taas! Kaya natulog nalang ako sa sofa dahil ang basement na yon ay may sofa at tv. Nagising ako sa paguyog ni Alisa at tinanong nila ako kung may naramdaman daw ba ako. Sabi ko wala. Kung meron man, di ko naramdaman kasi tulog ako. Sayang naman effort ng multo. At pagkauwi ko sa bahay ay sinisipon na ako.

Ako palang magisa dito sa room at as usual, ang aga ko. Nagbasa nalang ako ng librong hindi ko pa natatapos. Matagal tagal ko ring pinagipunan ang librong ito bago mapasakin. Jusko. Kaya karapat dapat na ito ay basahin.

Nagulat ako nang may biglang humablot sa libro ko. Si Luise. Ano nanaman kayang problema nito. Akala nya ba pinatawad ko na sya sa ginawa nya sakin last week? Well, oo! Pero kunwari hindi.

"Bakit ka naman nagbabasa ng mga ganto?" Sabi nya habang nakatingin sa libro. "Alam mo bang nakakadepress tong mga to?"

"Baligtad ata, kasi para saakin source of happiness yan." Sabi ko at kinuha sakanya ang libro. Nilagyan ko na ng bookmark ang huling page na nabasa ko at isinara na ang libro dahil alam kong hindi na ako makakapagbasa dahil dumating na si Luise. "At paano mo naman nalaman na nakakadepress tong librong ito?"

"Nabasa ko na kasi yan."

Luise' POV

Biglang kumintab ang mga mata nya at may ngiting nabuo sa labi nya. "Talaga?" natutuwa nyang tanong. Tumango ako para masagot ang tanong nya. Nabasa ko na yun nung nasa states pa ako. Nakakadepress kasi namatay yung main character. Paano kaya sya magrereact kung sabihin ko yun sakanya? Alam kong magagalit sya dahil wala nang mas masakit pa sa malaman mong mamatay ang main character sa isang minahal mo na character!

"Pwede mo akong tawagan pagtapos mo basahin yang librong yan." Sabi ko at ngumiti sakanya. Nakangiti parin sya.

Umupo ako sa upuan ni Darce sa tabi ni Jiane. "Malapit na ang third quarter test." Sabi ko at huminga ng malalim. Hindi ko naman problema yun eh. Pero bakit ko pinoproblema? Dahil siguro naf-feel ko na puspusan ang pagrereview nila, lalo na si Alisa. Lagi siguro kaming gagabihin sa library.

"Next week pa. Pero dahil kasama natin si Alisa, ngayon palang magrereview na tayo sa library." Sabi nya at kinuha yung notebook nya. "So far, okay nanaman si Alisa. Ikaw ba?" Tanong nya sakin habang nakatingin sa notebook nya. Tumingin sya sakin at nanlisik ang mga mata. "Saulo mo na ang mga formula?"

Biglang nagring yung phone ko sa bulsa. Nginitian ko sya at nagmadaling lumabas sa room at tinignan ang tumatawag. Si Jia.

"Ang aga-aga, bakit ka tumawag."

"Oh my god!" Maarteng sabi nya sa kabilang linya. "I didn't know you're that good in filipino! As far as I can remember, I asked you what is 'Chicken' in tagalog and you told me hen!" Sabi nya at tumawa ng malakas. "Okay. Remember when you were five? And you aked someone to marry you? Could you--"

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon