May biglang tumatakbong unicorn papunta sa harap ko. Kinabahan na ako dahil mabilis ang takbo nya. At isa pa, may matulis syang horn sa uno nya at nakaharap pa saakin. Sinusubukan kong tumakbo pero hindi ako makagalaw.
Hindi. Nananaginip lang ako. Titigil yang unicorn sa harap ko dahil mababait ang mga unicorn. Bakit nga ba ako nananaginip tungkol sa unicorn? Ang naiisip mo daw bago matulog ay ang lalabas sa panaginip mo. Hindi ko naman iniisip ang unicorn eh.
Biglang tumigil sa harap ko ang unicorn at halos isang inch nalang ang pagitan ng matulis nyang horn sa noo ko. Nararamdaman kong nanginginig ang tuhod ko dahil sa takot. Hindi ako mahilig sa kabayo. Takot ako sa mga tumatakbong kabayo. Pero kapag ako ang nakasakay ay okay lang. Ang wierd no?
"I'm your mother." Sabi ng Unicorn. Napatingin ako sa unicorn, nanay ko sya? Ano ba naman tong panaginip ko to. Bakit ito pa? Pwede bang ibahin? Ngayon ko lang napansin na tinitignan nya ako. Mataas sakin ang unicorn kaya mababa ang tingin nya saakin. Aray. Ang liit ko kasi.
Napayuko ako at napansing may paa sa gilid ng tyan ng malaking unicorn. May nakasakay na tao? Itim ang sapatos at nakasuot ng black pants. Sinundan ko pataas at nakita ang mukha ng lalaking kinaiinisan ko. Nakangisi sya at nakatingin pababa saakin.
Kahit sa panaginip, hindi parin nagbabago ang mukha nya. Nanduon parin ang mga ngisi nyang sadyang mapang-asar. Mga mata na palaging nagsasabing 'Ang liit mo talaga'
"Bakit ka naman napunta sa panaginip ko?" Tanong ko. With a blink of an eye, nasa harap ko na sya at nawala na ang unicorn.
"Gusto talaga kita." Sabi nya na may kasamang mga ngiting mapang-asar. Pati ba naman sa panaginip?!
Tinalikuran ko sya dahil sa inis at nasa ibang lugar na ako bigla. Ang birthday party ko noon. Maraming tao. Pero sa play ground ay puro bata lang ang naglalaro at ang mga matatanda ay nakaupo sa mga upuang nakapalibot sa tables at nagkukwentuhan ng masaya.
Bakit ko to napapanaginipan? Ito ba ang gusto kong makita?
May napansin akong dalawang bata. Isang maliit na batang nakasuot ng maliit na pares ng formal black shoes at black pants. Nakasuot sya ng white longsleeve at may suot na itim na formal vest. Para syang mini version ng mga lalaking bisita na nakavest din. May kausap syang maliit na batang babae na nakasuot ng magandang gown. Tama lang ang haba nito para hindi madapa ang bata. May hawak syang rubics cube at mabilis na binubuo ang bawat parte ng puzzle.
Mabilis nabuo ang rubics cube may sinabi ang batang lalaki, narinig kong "Marry me!" ang sabi nito. Ano ba yan, ang bata bata pa yan agad! Tumakbo ng mabilis ang batang babae papunta sa kanyang mama. Si mama?
Ako ba yung batang naka dress? Bakit wala akong maalala na ganyan sa birthday party ko noon?
"Jiane, gising na!" Malakas kong narinig kasabay ng pag buka ng bibig ni mama sa panaginip ko. Bakit parang ang weird? Hindi naman mukhang sumisigaw si mama pero bakit,
"Gising na!!"
Parang kapipikit ko palang kanina ah. Nagising ako sa lakas ng sigaw na narinig ko. Nakita ko si mama na nakatayo sa harap ng bed ko at nakapamewang. "Tanghali na! Malalate ka na!"
Napatingin ako sa orasan at hindi makapaniwalang napabangon sa kama. 7:20? 7:20?!
"MALALATE NA AKOO!!" Nagmamadali akong pumasok sa CR at nagmamadaling ginawa ang lahat ng kinakailangan. Mabilis akong kumain at nagpaalam na kay mama dahil malalate na talaga ako. Nakakatawa mang isipin pero tumatakbo na talaga ako papunta sa school ng walang medyas. Sinuot ko nalang ang sapatos ko dahil wala na akong oras sa pagmemedyas! Pero may baon ako syempre.
BINABASA MO ANG
Imperfect Plot Twist
Teen FictionMay mga bagay na sadyang hindi perpekto. Katulad ng mga alon sa dagat, hindi perpekto at sabay sabay ang pagdaloy ng alon sa dalampasigan. Hindi rin ito parepareho ng taas at lakas. May mga dahilan kung bakit ang mga ibang bagay ay sadyang hindi nag...