Jiane's POV
"He'll be fine now if he rest." Sabi ni Dr. Marshalle Don. Ang doctor ng kuya ko. "I think too much stress causes this. I heard he broke up with his girlfriend, maybe he's too much affected by it that caused the attack. I will be going now, I'll check him later." Nag thank you ako at lumabas na si Dr. Don.
Nagulat ako pagkauwi ko sa bahay, sakto ang araw na yon ang alis ng katulong at si Mama ay hindi parin umuuwi. Nagulat ako dahil umiiyak na nakaupo si Kuya Jake sa hagdanan papasok sa terace. Nangmakita nya ako ay agad na tumayo at sinabing 'Hindi na kami' pero natumba din agad. Isinakay ko sya sa bulok na sasakyan ni mama at kahit hindi pa ako licensed driver at pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa ospital. Hindi ko na sya chineck, kasi alam ko naman kahit papaano ang case nya. Once he drop, bring him to the hospital immediately.
Hindi ko alam bakit sa bahay ba sya nagpunta, pero mabuti narin iyon kasi kung sa iba, baka ngayon palang sya dinala sa ospital o baka hinahanap palang sya ngayon. Hindi nya dala ang sasakyan nya, paano kaya sya nakapunta sa bahay? Malayo kasi ang bahay nila saamin.
Nakahiga sya ngayon sa hospital bed at nakasuot ng medical gown. May dextros na nakatusok sa kamay nya at may alalay na oxygen sa tabi ng kama nya na tinutulungan syang huminga.
Umupo ako sa couch at tinignan kung may reply na ang mga iba ko pang kapatid at si Mama. Wala pa silang reply maski isa manlang sakanila. Si kuya Jake and sumunod bago ako. At least medyo close naman kami ni kuya Jake.
Biglang bumukas ang pinto at lumantad ang pagmumukha ng isa ko pang kuya. Si Kuya Jean. Masyadong maganda ang pangalan ng kuya ko. Jean Lean. Agad syang pumunta sa tabi ng kama ni kuya Jake.
"Okay na daw ba sya?" Nagaalalang tanong nito. Tumango lang ako para kasagutan sa tanong nya. Nakahinga sya ng maluwag at tumabi saakin.
"Nasaan si Tita, bakit ikaw lang magisa dito?" Tanong nya habang nakatingin kay Kuya Jake.
"Nag out of town si Mama, para sa trabaho. Bukas pa ang balik." Sagot ko.
"Pasensya ka na ikaw lang magisa ang nagasikaso kay Jake." Ginulo nya ang buhok ko at ngumiti. "May pasok ka pa bukas, umuwi ka na para makapagaral ka."
"Okay lang po. Dito muna ako." Tinignan ko ang oras sa phone ko. Eight na. "Kumain ka na ba kuya? Bibili ako ng cup noodles, gusto mo ba?" Tumango si kuya Jean at sinabi ang flavor na gusto nya kaya lumabas na ako at naglakad papunta sa cafeteria.
Bumili ako ng dalawang cup noodle, parehas ang flavor, yung flavor na gusto ng kuya. Bumili din ako ng dalawang bottled water. Palabas na sana ako nang may biglang humila sa balikat ko.
Si Luise.
Luise' POV
"Oh, sige little kid! Pag-gumaling ka na, ililibre kita ng burger!" sabi ko sa pamangkin ko na si Lieanne na nakahiga ngayon sa hospital bed nya dahil sobrang taas ng lagnat simula pa kaninang umaga. Ako lang ang kasama nya ngayon dahil umalis muna ang si Ate Jia para ayusin ang mga papel dito sa ospital.
Ngumiti sya ng malawak pero kita parin sa ekspresyon ng mukha nya na may dinadamdam parin sya. "Sige po! Aasahan ko po yan!" Masigla nyang sagot saakin.
Dahil gabi narin ay binuksan ko ang ilaw ng lamp sa side table ng bed ni Lieanne at pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ang ang tanging natirang liwanag ay ang lamp. Pinatulog ko na sya at sinabing bukas ay bibisita ulit ako. Umupo muna ako sa sofa para hintayin ang ate ko.
Bigla kong naalala ang pinagusapan namin ni Alisa nang inihatid ko sya bago ako pumunta dito.
"Bakit parang himala na pumayag ka na si Darce ang magkatid kay Jiane?"
BINABASA MO ANG
Imperfect Plot Twist
أدب المراهقينMay mga bagay na sadyang hindi perpekto. Katulad ng mga alon sa dagat, hindi perpekto at sabay sabay ang pagdaloy ng alon sa dalampasigan. Hindi rin ito parepareho ng taas at lakas. May mga dahilan kung bakit ang mga ibang bagay ay sadyang hindi nag...