Chapter 17

31 4 3
                                    

Jiane's POV

Thursday na ngayon. Okay naman so far ang lahat ng bagay sa buhay ko. Nagagawa ko naman ang mga assignment ko ng maayos. NagP-participate naman ako sa mga klase. Okay naman ang mga scores ko sa mga quiz ko. Nakakakain naman ako ng maayos at nakakapag-bawas araw-araw ng walang pag-aalinlangan. Nakakatulog naman ako ng maayos at naaalagaan ko naman ng maayos ang pusa ko. Nakakapag-usap naman kami ni Dar ng maayos, nakakapagkwentuhan naman kami ni Alisa ng maayos. Palaging nasa date si Jenica pero okay lang. May nakalimutan pa ba ako? Ah, Si Luise asungot! Este Luise Rodriguize! Si Luise Rodriguize na pesteng lalaking maputing malaking paniking asungot na may pigsa sa pwet! Pwe! Nakakainis sya! Ayoko na syang pagusapan at ayoko syang makausap ngayon!

"Bakit nasisimangot ka nanaman jan?" Tanong ni Darce na nasa tabi ko. Break time na at so far, wala namang assignment kaya eto ako, naiisip ang mga bagay sa buhay ko.

"Nakakainis kasi sya." nakasimangot kong sagot sakanya.

"Si Luise?" Nagtatakang tanong niya. Naiirita na ako kapag naririnig ko ang pangalan ng paniking yon kaya tumaas agad ang kilay ko at tumango.

"Ano bang nangyari sainyong dalawa at inis na inis ka sakanya?" Biglang tanong ni Alisa na nasa likod namin.

Naalala ko nanaman. Hinawakan nya pa ang mukha ko na parang totoo talaga. Naramdaman kong namula ako non! Lumapit pa sya sa mukha ko! Argh! Naalala ko nanaman ang kahihiyan ko! Hindi ko sinasabi sakanila ang totoong nangyari. Rephrase: Ayokong sabihin sakanila ang buong nangyari.

"Eh kasi yung kutong yon, pinatid ako sa harap ng maraming tao!" Nakasimangot kong sabi. Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko.

Napansin kong nakatingin saakin si Luise at nakangisi at nag thumbs up pa. Anong ibig sabihin nya? Inirapan ko lang sya at ipinatong ang mga kamay at mukha ko sa desk upang maitago ang mukha ko.

Akalain mo yun? Kinabahan talaga ako sa mga oras na yon! Akala ko confession na! First time yon na nangyari saakin! Virgin na virgin ako sa mga bagay na ganyan! Wala manlang ako karanasan ng romance maski isang beses! Syempre, pag first time hindi alam ang gagawin! Hindi ko alam kung anong isasgot ko sakanya nun! Pero mas nainis ako kasi may kadugtong na Joke lang! Walang katarungan! Hindi naman na sinasabi ko na gusto kong totoo yon, pero nakakahiya parin! Pero syempre gusto ko din yun, hihi! Joke lang!

Biglang may kamay na tumapik saakin kaya agad kong iniangat ang ulo ko. Nakita kong nakatingin saakin si Darce at parang may inaalala.

"May," kinagat nya ang ibaba nyang labi. Ang cute nya kapag ginagawa nya yun. "May kilala ka bang,"

"Ano?" Tanong ko nang hindi nya itinuloy ang kanyang sasabihin. Nginitian nya lang ako at ginulo ang buhok ko at sinabing, "Wala yun."

Napatingin ulit ako sa direction ni Luise. Nakikipagusap sya sa katabi nyang lalaki na si Amiel, nagtatawanan sila at mukhang may discusion na nagaganap dahil may mga ipinapaliwanag sila sa isa't-isa at mukhang masaya sila parehas.

Ang ganda ng mga ngipit ni Luise, mapuputi at maayos ang pagkakasunod-sunod ng kanyang mga ngipin. Dahil don ay maganda ang mga ngiti sya. Idagdag mo pa ang hindi masyadong malalim na dimple nya, kasabay ng pagtawa nya ang pagliit ng mga mata nya. Maganda rin ang ilong nya, hindi katulad saakin. Gwapo sya. Sana. Kung hindi dahil sa buhok nyang blonde ang dulo at tirik at may mahaba nang itim na tubo! At kung hindi dahil sa ugali nya! Gwapo sana sya! Este, maayos sana ang dating nya!

Napatingin sya saakin habang tumatawa. Nginitian nya ako at ibinaling ulit kay Amiel ang atensyon.

Sana mabait ka nalang Luise.

~*~

Papunta na ako sa bahay ni Luise. Magkakahiwalay kaming lima ngayon dahil si Darce ay sa bahay nila Breana gagawa ng project, si Jenica naman ay kina Astrid at si Alisa ay sa bahay nila kasama si Melany. At ako naman ay kabilang sa mga pupunta sa bahay ng kaklase. Ang pagkakaiba lang naming lahat ay patungo ako sa bahay na may isang malaking kutong maputing paniking unggoy na mapangit na si Luise.

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon