Chapter 15

30 4 1
                                    

Darce' POV

Mabilis na akong tumakbo palayo patungo sa bahay. Mabilis na mabilis ang takbo ko pati narin ang tibok ng puso ko. Ramdam kong umiinit ang pisngi ko habang naiisip ang sinabi ko kanina. Baliw na talaga ako, paano ko yun nagawang sabihin? Paano kung tanungin nya ako bukas kung ano yun? Anong sasabihin ko?

Naalala tuloy ako.

Ginagawa namin ang seat work na by seatpartner sa math at maingay sa klase dahil may pinuntahan sandali si maam. Inilapag nya ang lapis nya sa desk nya kung saan ako nagso-solve para makita nya kung may mali, sumimangot sya. Sa totoo lang cute si Jiane. Cute sya tignan sa maikli nya buhok at maliit na ilong at mapungay na mata at mapupulang labi. Chubby sya pero actually mukhang normal lang naman talaga sya.

"Dar." Nakasimangot nyang sabi. Tinignan ko lang sya habang hinihintay na sabihin ang kasunod na sasabihin nya.

"Bakit ba hindi mo napapansin?" Nakasimangot parin sya. May mali ba akong nasolve? Tinignan ko yung papel ko. Wala naman akong napapansin.

"May mali ba akong ginawa sa pag-solve?" Tanong ko sakanya at tinignan sya ulit. Nakasimangot parin sya. "Wala naman atang--"

"May gusto ako sayo! Hindi mo ba napapansin?"

Natulala ako at napanganga. Totoo na ba ito? Wala naman syang pinapakitang kahit anong sign na may gusto sya saakin! Paano ko malalaman! Pero teka? Bakla pakingan pero kikiligin ako kapag totoo to! Sasabihin ko din ba sakanya ngayon? Ganun lang ba yon kadali? Hindi ba parang ang weird ng place at may klase pa!

Bigla nyang itinaas ang phone nya at nag flash ito.

Pinicturan nya ako! Lapastangang babae! Hindi ko napansing hawak nya na yung phone nya kanina.

Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Sana kami lang dalawa ang nakakaalam nito. Sana walang nakikinig maski ang nasalikod namin. Hindi ito makatarungan.

Bigla syang tumawa. A genuine laugh. Tinangal ko ang kamay ko at pinanood sya habang masarap na tumawata. Halos mamula na sya sa kakatawa.

Nakatingin sya sa Phone nya at tinatawanan ang mukha ko. "Tignan mo ang mukha mo! Akala mo ay nakakita ng multo!" Tawang tawa nyang sabi at ipinakita saakin. Mukha nga akong nakakita ng multo.

"Wag ka mag-alala, gwapo ka parin!" Sabi nya at nginitian ako. Nginitian ko nalang din sya at ginulo ang buhok nya. Spell kinikilig? D-A-R-C-E

Nang araw na yon eh pinagtawanan nilang lahat ang mukha ko. Shinare pa ni Jiane yung picture kila Jenica at Alisa via bluetooth. Jusko.

Natanaw ko na ang sari-sari store na madalas kong bilihan ng magic sarap at ajinomoto kapag nauutusan ako ni Mam, minsan ay datu puti pa. Umupo ako agad sa upuan sa gilid ng tindahan habang naghahabol ng hininga.

"Aba, ikaw pala Daday!" Bati saakin ng may-ari ng tindahan na medyo may kaedadan na rin at napansing hinihingal ako. "Oh, bakit mukhang pagod na pagod ka. Hinabol ka ba ng mga aso sa kanto?"

Natawa ako bigla. Hindi naman nanghahabol si Jiane, pero tinakbuhan ko sya. "Hindi po." sagot ko at kinuha ang wallet ko sa bag. "May tinakbuhan lang po ako. Isa pong mineral water." sabi ko at inabot ang bayad na fifty pesos.

Inabot ito saakin ni aling Merci kasama ang barya. "Aba, masama ang may tinatakbuhan hijo."

"Oo nga ho eh, pero kailangan ko po kasi nakakahiya." Uminom ako ng tubig. Tinignan ako ni Aling Merci habang inilagay ang kamay nya sa double chin nya na para bang ine-examine ako. Nanliit ang mga mata nya. Parang alam ko na ang nasaisip ni Aling Merci. Ang palagi nyang sinisiguro tuwing nabili ako dito.

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon