Chapter 7

31 5 1
                                    

Medyo nasarapan ako sa tulog kaya medyo nalate ako ngayon sa school. Pagkadating ko sa school, may mga estudyanteng nagtutumpukan. nung nakita ako nung isang sa mga nagtutumpukas, may sinabi sya pero hindi ko narinig. Humarap silang lahat sakin at may hawak na damo. Damo? Seriously? anong gagawin nila sa damo? Mahahaba yung damo. Kugon ata ang tawag dun. yung kapag nadikit sa balat mo eh masusugat ka?

May isang tumakbo sakin, hinila ako papasok ng gate, habang hinihila nya ako, nag sorry sya sakin ng mahina. Sya si Carl, 3rd section ng 4th year.

Nung nakapasok na ako, pinalibutan na nila ako. Ano ba to? Anong nangyayare? May napansin ako, sa may bintana ng building ng 4th year, Si Luise, nakasilip, at nakangisi. Nang napansin nyang nakatingin ako sa kanya, umalis na sya. Ano bang nangyayari?

"Sinuntok mo daw si Luise kahapon?"

"Grabe ka naman, kakarating nya lang eh."

"Ano bang ginawa nya sayo para suntukin mo nalang sya bigla?"

Hindi ko na alam ako gagawin ko. Pag sinagot ko sila, mas magaalit sila, pero pag ginawa ko yun, madedepensahan ko ang sarili ko kahit papaano.

"Kinuha nya yung homework--" Hindi pa ako natatapos magsalita ay mag sumampal na sakin ng mga damong hawak nila. Masakit, ano bang meron sa damo na yon at ganun nalang kasakit yun?! Kailangan kong mapagaralan ang damong iyon! hinawakan ko yung pisngi ko, at parang may nahawakan akong basa, pagtingin ko ay dugo. Sugat? nagkaron na ako kaagad ng sugat sa ganun lang?

Nagsimula na nilang ihampas sakin yung mga damong yon, parang masama akong ispirito na hinahampas nila para umalis. Yung iba hindi ako hinahampas, sinasabuyan ako ng puting powder. Harina? Balak ba nila akong gawing ulam? Ano ba yan. Ang dami ko nang sugat. Magiging mas mapangit na ako kay bakekang!

May sumipa sakin kaya nadapa ako. Hindi ko alam pero bigla nalang ako naiyak, nakita ko si Carl, nakatingin lang sya sakin, may awa sa mga mata. Wala syang ginagawa sakin, di nya ako sinasabuyan ng kung ano ano, o hinahampas. Unti unti syang naglalakad palayo, at sa kalaunan ay tumatakbo na sya palayo, papunta sa building.

Si Carl, kaklase ko nung elementary, sabay kami nag graduate at ewan ko kung bakit, sa parehas na school kami nagaral. Nagtransfer nga pala ako. LOL

Karamihan sakanila, 4th year. Yung mga babae mga nanggagalaiti sa galit at kung ano ano pinagsasabi at yung mga lalaki naman na iba, mukhang napagutusan lang.

Hindi ko naman akalaing ganto kasama ang ugali ni Luise. Ang akala ko susuntukin nya lang din ako pero malay ko ba na ganto gagawin sakin ng mga 'fans' nya or so. Naiinis ako sakanya. Nakangiti pa sya kanina. Ganun ba talaga kasama ang ugali nun? Pano ba yun nagustuhan ni Jenica? Sinusumpa ko, kahit kailan, hindi ko magkakagusto sakanya, kahit gwapo sya, masama parin ang ugali nya.

Napansin kong may apat na taong tumatakbo papunta sa direksyon ko... Dalawang lalaki at dalawang babae. Hindi ko na alam kung sino sila, di ko na sila makilala. Malabo na ang paningin ko dahil siguro sa luha at sa kung ano man yung pinagtatapon nila sakin. Nang malaman ko nalang, may bumubuhat na sakin.

Darce's POV

Ang tagal namang pumasok ni Jiane, Pasalamat sya at absent ang first period teacher namin at di pa sya late. Minsan lang malate si Jiane kaya unusual to. Kadalasan pagpasok ko nakikita ko syang naka upo sa upuan nya at nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana. Pero ngayon wala parin sya.

"Oi, bakit wala pa si Jiane?" Tanong ko sadalawa sa likod. Kapatingin sila sakin peroo di sumagot. Si Jenica mukhang nagaalala rin.

"Sabi ko sakanya pumasok ng maaga pero bakit wala parin sya." Sabi ni Jenica habang nakakunot ang nuo at mukhang nagaalala talaga.

May biglang lalaking pumasok sa classroom namin at mukhang may hinahanap habang hingal na hingal. Section 3 ata sya eh.

Napatingin nya sakin at lumapit tapos huminga ng malalim. "Si... Si Jiane... Sumama kayo sakin..." Sabi nya tapos nagmadali maglakad palabas. Sinundan ko sya agad at napansin kong sumunod din sila Jenica. Napatingin ako kay Luise, natutulog sya. May kinalaman kaya sya dito?

***

Jiane's POV

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako, nakita ko sila Dar, Alisa, Jenica na nakatingin sakin at mukhang concerned.

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Alisa. "May masakit ba sayo?" Tanong ni Jenica. Si Dar nakatingin lang sakin at mukhang nag-aalala.

"Hindi ako ok. Maraming masakit sakin." sabi ko and rolled my eyes. 'Masakit ang ulo ko. ang puso ko, ang tuhod ko. ang kamay ko, ang binti ko, ang pisngi ko. Lahat. 

"Ginamot na namin mga sugat mo habang tulog ka. Pinalitan ka narin nila ng damit. Kanina ka pa nilalagnat kaya binabantayan ka naming tatlo, sila na nagasikaso sayo since wala akong alam sa mga bagay na ganya." Sabi ni Dar habang napatingin sa dalawa.

"Ah, Nilagyan namin ng bimpo na binasa ng malamig na tubig yung ulo mo, ang init mo kasi kanina eh." Sabi ni Alisa tapos ngumiti.

Lumapit sakin si Jenica at hinawakan yung noo ko. Nag sigh siya. "May lagnat ka parin."

Tumingin ako sa paligid ko. Nasa kwarto ko ako. "Pano ako... nakauwi ng bahay?"

"Dinala ka namin dito" Sagot ni Dar. "Ah, oo nga pala, May iniwang note yung mama mo sa ref nyo, nakita ko kanina nung kumuha ako ng ice, sabi maga out of town daw muna sya mga isang week."

Umalis nanaman yung bruhang yun. At note lang iniwan sakin. nag sigh ako. "Thank you."

Walang sumagot. Tahimik lang silang nakatingin sakin.

"Ah, Naubos namin bandaid nyo...hehe" Tapos ngumiti si Alisa.

"At hinalungkat namin yung damitan mo dahil sa pagmamadaling makahanap ng maraming bimpo... hehe" Sabi ni Jenica.

Damitan ko? Ah... D-Damitan? Napaupo ako ng di oras. "DAMITAN?!"

Biglang sumakit ulo ko kaya napahawak ako sa braso ni Alisa, sya kasi yung pinakamalapit. Feeling ko nasa vertex ako. grabe, Kaya ayoko magkalagnat. Agad nila akong inalalayan at inihiga.

"Talagang hinalungkat nyo damitan ko?" Habang tinitignan sila.

"W-Wag kang... M-Magalala, wala kaming n-nakita..." Nahihiyang sabi Dar.

Liar. Nagtago nalang ako sa kumot kasi nahihiya ako. Hinalungkat nila yung damitan ko... Hindi naman sa may tinatago ako, pero... syempre damitan ko yun...

Nag giggle si Alisa. "Wala talaga akong nakita kasi ako yung nagpupunas sakanya sa cr."

"It's you who saw her in her undies." Sabi ni Jenica.

WTF are they talking about? I'm here! Ah geez!

Dahil inaantok narin ako, agad na akong nakatulog habang nagtatago sa kumot.

~*~*~*~*~*~*~*~

AN:

Hi po, ang sipag nyo po at nakarating kayo dito pero sorry ulit kasi sa typo at spelling xD 

Natatawa ako sa chapter na ito. Yun lang po xD

Imperfect Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon