Chapter Three

14.2K 405 127
                                    

Maganda ang gising 'ko ngayong araw kumpara kahapon. Payapa akong ginawa ang morning routine ko.

Matapos kong maayos ang sarili ko ay tumingin ako sa salamin. Long sleeve color gray na made of cotton ang top ko na naka-tuck in sa black plain skirt ko. Nagsuot din ako ng black leggings para komportable ako.

Naiilang kasi ako kapag masyado maraming balat 'ko ang nakikita. Then nagsuot lang ako ng black doll shoes, i guess i'm fine now.

Ow wait. I grab my eyeglasses with color gray frame.

"Yeah, perfect!" i giggled before get my tote bag with a simple bunny ear design.

                                                                    
Tahimik lang ako nag-ddrive papunta sa school namin. Pagdating ko sa school bago bumaba ay nagdasal muna ako na sana hindi ko makadaupang palad si Jez. Ayukong masira ang araw 'ko!

Pagbaba ko sa school ay wala namang napapatingin sakin. Maraming nagaganda at gwapo dito sa school pero hindi ako kabilang sa kanila.

Ayos na sakin ang tahimik na buhay sa school. Kaya ayaw ko rin mapadikit kay Jez kasi sobrang sikat niya sa school!!

Maliban sa well, kahit papano may itsura naman talaga siya, sikat din sya dahil vocalist sya ng pinaka sikat na banda dito sa school. Nag-peperform sila tuwing may event kaya naman marami talagang nakakakilala sa kanya.

Ang ganda pa ng boses niya kaya kilig na kilig ang kababaehan. At kapag pasok sa standard ni Jez, alam niyo na ang kasunod.

Dumiretso ako sa library since maaga pa naman. Talagang sinasadya 'ko pumasok ng mas maaga para kung ano mang traffic ang harapin 'ko ay hindi ako ma-late.

Hulog na hulog na ako sa binabasa ko ng maramdaman 'ko ang cellphone 'ko na na nagvivibrate. Pag-check ko, pangalan at muka ni Jez ang bumalandra kaya agad kong pinindot ang reject button at muling nagfocus sa binabasa 'ko.

Patapos na ako sa binabasa 'ko ng may tumabi sa akin kaya napatingin ako dito..

"Hello my homie!" nakangiting bati sakin ni Jez. Napa-ikot ang mata ko at huminga ng malalim. Relax Klaisse.

"Bakit di mo sinasagot call 'ko? Mabuti na lang alam ko kung saan ka hahanapin." mahabang litanya niya.

Kanina ang tahimik ng mundo 'ko, dumating lang siya umingay na naman.

"Pwede ba Jez, library ito. Bawal ka dito!" mahinang asik ko sa kanya.

"Really? Wala naman nagsasabi na bawal ang mga hot na tulad 'ko dito." preskong pahayag niya.

"What i mean is.. Bawal ang maingay dito!" may diing pahayag ko. Kung pwede lang sumigaw dito sa library nabulyawan ko na sya.

"Yeah. So better be quiet, Klaisse." at ako pa ang maingay? Nananahimik ako kanina dito bago siya dumating!

"Tsk." napa-tsk na lang ako at inayos na ang gamit 'ko.

"Oh? Saan ka pupunta?" takang tanong niya.

"Papasok na ako sa klase 'ko." hindi nalingon sa kanyang sagot ko.

"Ha? Maaga pa, mamaya pang 12:30 class mo. Mabuti pa samahan mo na lang ako sa cafeteria. Hindi pa ako nakain eh." bago pa ako sumagot ay hinihila niya na ako. Binawi ko sa kanya ang kamay ko at sinamaan siya ng tingnan.

"Don't touch me!" asik ko sa kanya at nauna ng maglakad.

Mabilis naman syang humabol sa akin. Sabay lang kami magkalakad hanggang makarating kami sa cafeteria.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon