"Good morning.." nakangiting bati ko kay Jez nang magising akong nakatitig siya. Ngumiti lang sya sa akin at inayos ang pagkakakumot ko.
"Bakit ang aga mo nagising?" inaantok na tanong 'ko. Kinulong niya ang hubad na katawan ko sa braso niya bago dampian ng halik ang ulo ko.
"Naisip ko lang, pagka-graduate natin, magsama na kaya tayo?" suhisyon nya na napangiti ako.
"Para naman na tayong nagsasama tsaka mag-aral ka ng maka-graduate ka." tudyo ko sa kanya.
"Bakit? Nag-aaral naman na ako ah, kasi sabi mo. Sabi mo magbasa ako, i did. Gumawa ng projects, i did! Tsaka ibang sama gusto ko, yung tayong dalawa lang. Wala kang ibang uuwian kundi ako." pagpapaliwanag niya sa akin.
Sa totoo lang ay nakikita ko naman mga konting pagbabago kay Jez. Sinusubukan niya talaga mag-aral. Ayos yun dahil ilang araw na lang finals na namin, pagkatapos ng finals ggraduate na kami.
Napansin ko rin kay Jez na di na sya napunta sa pub nang hindi ako kasama, naiwas siguro sa tukso. Isa pa kapag sinabi ko na ayaw ko, hindi niya na ako pinipilit.
Natutuwa naman ako sa mga pagbabago nyang iyon. Sana magtuloy tuloy na.
"Okay. After we graduated let's move in together." pagpayag ko sa gusto niya.
Ngumiti siya na hindi lalabas ang ngipin habang nakinang ang mata niya.
"Really? Pumapayag ka?!" malakas na bulalas niya.
"O-Ohm." natangong sagot ko, lalo niya akong niyakap ng mahigpit na para na akong masasakal.
"J-Jez.." reklamo ko na dahilan para luwagan nya konti ang yakap sa akin.
"Sorry, ang saya ko lang! Hehehe" ako man ay masaya.
Siya naman talaga ang gusto kong makasama hanggang pag-tanda.
"I love you, Klaisse." turan nya at paulit ulit akong dinadampian ng halik sa labi 'ko hanggang sa umabot sa paligid ng muka 'ko at leeg ko.
"Jez! Hahaha nakikiliti na ako!" reklamo ko pero nagpatuloy lang siya.
"Muah.. Muah.. Muah.." tinutulak ko sya palayo sakin habang natatawa. She's too childish.
"I love you, mahal." malambing na pag-uulit niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at kinurot ang ilong niya.
"Bangon na tayo, we need to go to school." sumang-ayon naman siya.
Wala namang bago sa school. Pinagtitinginan pa rin si Jez kapag naglalakad kami. May mga ilan na nakikita kong nagpapa-cute pero ngingitian lang niya ang mga ito.
Alam na ng lahat ang tungkol sa amin dahil pino-post niya ito sa Social Medias account niya.
Nung nakaraang buwan na birthday ni Jez, dun siya nag-post sa social media na nag-coconfirm ng status namin. Nagpasalamat sya sa regalo kong perfume at sapatos sa kanya and she called me girlfriend kaya alam na nila.
Hindi ako mahilig sa mga social media na yan kaya kapag nakikita ko ay nila-like ko lang. Pabor naman sakin mga post noya atleast alam ng iba na taken na siya, pero meron kasi talagang mga tao na kahit alam nilang taken na ay lalandiin pa rin nila.
Mas nat-thrill pa nga ata yung iba. Ewan ko ba.
And as long as wala naman akong nakikitang ginagawang masama ni Jez, ayos lang sakin. Hindi ko mapipigilan kung malakas talaga dating ni Jez sa iba.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...