Chapter Thirty Three: JEV POV

8.1K 341 147
                                    

Pagkatapos ng graduation ball ay nalaman 'kong nagpunta pala ng book fair si Klaisse kasama si Renz kaya di siya naka-attend ng GradBall.

Renz posted a video on his IG. Tuwang tuwa si Klaisse na nagpa-autograph sa paborito nyang author.

Napangiti na lang ako. Masaya akong makita siyang masaya pero masakit dahil hindi ako ang may gawa nun.

                                                                      

"Finally g-graduate ka na rin, anak!" masaya turan ni Mommy habang inaayos ang pagkakasuot ng toga ko.

"Ayan, ang gandang pogi ng anak 'ko!" proud pa siya na kinurot ng mahina ang pisngi ko.

"You look good." papuri din ni Daddy bago i-abot sakin ang toga cap.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanilang dalawa.

"Halika na." aya ni Mommy.

Tahimik lang akong naka-upo sa likod ng sasakyan habang nagddrive si Daddy. Actually, this past few days tahimik talaga ako.

Pati pagsasalita at pakikipag-tao ay tinatamad na ako.

Ilang saglit lang ay nahinto kami sa venue. Bumaba na ako at nilibot ang paningin.

Madami dami na ring tao sa venue. Lahat sila masaya, ako lang ata ang hindi hahaha

"Let's go?" muling aya ni Daddy na tinanguan 'ko. Sumusunod lang ako sa kanila.

"Hi Jez!"

"Congrats Jez!"

"You look great, Jez!"

Kanya kanyang bati sa akin ng mga nadadaanan namin. Tumatango lang ako sa kanila bilang balik pagbati.

"Amiga!!" masayang tawag ni Mommy kay Mommy Ru. Agad ko namang nakita si Klaisse sa tabi nito.

Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas sya ng tingin sa akin.

Ni titigan ako hindi niya na rin ba magawa?

Natahimik na lang ako sa tabi nila Mommy habang nagkukwentuhan sila at naghihintay na papasukin kami sa loob.

Walang nakibo sa amin ni Klaisse.

Mabuti pa noon, nakakalapit ako sa kanya at naaasar ko siya. Haay.

Makalipas ang ilang sandali ay pinapunta na rin kami sa kanya kanya naming pwesto para sa pagpasok sa loob.

Nakikita ko sa paligid ko na lahat sila masaya, may mga umiiyak pa dahil nakapag-tapos pero bakit ako? Wala akong maramdaman. Napatawa na lang ako ng pagak.

                                              
By course ang naging pag-upo namin at yung may mga latin honor ay naka-upo sa lahat. Syempre nandun naka-upo si Klaisse.

Katabi nya si Renz, magna cum laude din kasi yun.

They're perfect for each other right? Both good looking, smart and rich. Bagay na bagay.

Tahimik na lang akong nakinig sa mga nagsasalita sa harap. Hanggang sa nagbigay ng speech yung Neri.

Si Neri yung Summa Cum Laude na may pinaka mataas na marka. Ewan ko ba dyan, napakatalino. Hamakin mo 1.03 ang GWA.

Pumangalawa lang sa kanya si Klaisse na may 1.12 GWA. Mga halimaw! Hahaha basta masaya na ako sa 2.67 GWA ko

Matapos ang boring na speech ni Neri ay isa isa ng tinawag ang graduates.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon