Chapter Sixteen

11.6K 374 91
                                    

Jez is driving now. We're on the way sa Phoenix Pub. First time ko lang makakapasok talaga dito kahit madalas ko sunduin si Jez dito kasi sa labas lang ako nag-i-stay at tinitext sya kapag sinusundo ko siya.

Pagdating namin sa Pub ay bumilis tibok ng puso 'ko at parang di ako mapakali.

"Hey, are you okay?" tanong nya sa akin at nilagay ang kamay nya sa bewang 'ko.

"It's too loud." mahinang pahayag 'ko. Hindi ako komportable sa ingay.

Hinapit nya ang bewang 'ko palapit sa kanya at hinawakan pa ang isa 'kong kamay kaya naman pinagtitinginan kami. Akala siguro nila may relasyon kami ni Jez.

"Hey Jez!" tawag ng isang lalaki kay Jez. Lumapit naman kami sa table na kinaroroonan nito.

"Zup Gio!" bati ni Jez at nakipag fist bump pati sa mga babaeng nasa table.

"New girl?" tanong nung Gio kay Jez.

Bigla kong naramdaman na nanliliit ako. Para akong hinuhusgahan ng mga tingin nila.

"No."  tipid na sagot nya at humigpit ang hawak ni Jez sa bewang ko.

"Hi! Dennis.." pakilala ng isang lalaki pa. Nahihiya akong inabot sa kanya ang kamay 'ko pero bago pa maglapat ang mga kamay namin ay kinuha ni Jez ang kamay ko at pinasok sa bulsa ng jacket nya.

"Just say your name, bro. No need for shakehands." napalingon naman ako kay Jez. Seryoso ang muka niya pero ng nilingon nya ako at napansin nyang nakatingin ako ay ngumiti siya.

"She's Klaisse. Mahal, mga kaibigan 'ko. Si Gio, Dennis, Mary, Kim and Toneth" pagpapakilala nya sakin ng mga ito, isa isa ko sila nginitian pero si Toneth inirapan ako.

Problema nito? Tsk.

"Let's sit here." inalalayan ako ni Jez umupo sa tabi ni Kim at sya naman sa tabi ko.

Hindi inaalis ni Jez ang kamay ko sa bewang nya na kinakatingin naman ng mga kaibigan nya pero pinipili nilang hindi pansinin ito.

"Nainom ka ba?" nakangiting tanong ni Kim sa akin.

"Ha?" natatarantang tanong ko. Wala sa usapan namin ni Jez na iinom ako. Di ako marunong nun. "H-Hindi kayo na lang."

"Ano gagawin mo dito? Bantay ni Jez? Haha" pahayag ni Toneth na para sa akin nagtunog nang-uuyam.

"No. It's the other way around. Sinama ko siya dito para mabantayan ko siya." mabilis na pagsalo sa akin ni Jez habang nasimsim sa whiskey na iniinom niya.

Napangiti naman ako ng lihim dahil pinagtanggol nya ako. Hindi talaga ako pinapabayaan ni Jez.

"Hindi ko sisirain diskarte mo sa girls, Jez. I still believe that you don't do girlfriends." patuloy pa rin sa pagmamaldita ni Toneth.

"Toneth, don't be rude." suway ni Mary sa kanya. Umirap naman si Toneth bago tumayo ng nagdadabog at pumunta sa mga nag-bibilliards.

"I'll just join her." paalam ni Gio bago sumunod kay Toneth.

Napabuntong hininga naman ako. Mga kaibigan ba talaga ito ni Jez?

Habang nag-iisip ay humawak si Kim sa kamay ko at pinisil iyon.

"Wag mo na lang pansinin si Toneth. Bitter lang yun. Halos lahat kasi ng babae pinapatos ni Jez. Siya lang hindi hahahaha" tumatawang paliwanag ni Kim. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya pero hindi eh.

Nakakainis talaga isipin na ang dami ng nakalandian ni Jez.

Nabaling naman ang atensyon ko kay Jez ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa balikat ko malapit sa leeg.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon