Chapter Fifty Four

7.9K 219 15
                                    

Pagkatapos magpacheck up ay nag-aya naman si Jez na mag-mall.
Agad kaming nagpunta sa laminating. Saglit lang ay nalaminate na ito.

"Mommy, look at our baby. Feeling ko babae ito at napakaganda." may pagmamayabang na pahayag nito habang pinapakita sa akin ang mga ultra sound pictures. Wala pa naman kahit anong mukang makikita dun.

"Kanina mo pa pinapakita yan at kanina ko pa rin natitigan. Itago mo na yan baka mawala pa." suway ko sa kanya. She's so hyper, ako ang napapagod sa kanya.

                                                      

Sunod naming pinuntahan ang department store sa baby section.

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko sa kanya.

"Bibili tayo gamit ni baby." kumunot naman noo ko sa sinabi niya.

"Jez, i'm also excited but i still know how to think properly. Wala pang gender ang baby natin kaya di pa tayo makakapili ng bibilhin natin." paalala ko sa kanya.

Kumamot naman siya sa ulo niya. Ngayon niya lang narealize.

"Feeling ko babae kasi talaga sya." giit niya.

"Paano kung lalaki tapos puro pink ang gamit?" mataray na tanong ko.

"Edi kay next baby na lang yun tapos bili tayo gamit pang lalaki." balewalang sagot niya, nagsisimula na siyang magtingin ng mga babyron.

"Jez, paano kung puro lalaki. Sige nga!" lumingon sya sa akin at ngumiti ng malisyosa.

"Hindi tayo titigil hangga't walang babae." she said as if that's the best idea she ever said in her entire life.

Hinampas ko naman siya sa braso sa inis ko. Tumawa lang siya at ginagap ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Tumingala naman ako sa kanya.

"You're worrying too much. Hayaan mo na ako. Gusto ko lang talaga bumili ng gamit ni baby. Konti lang bibilhin ko. Promise." lambing niya sa akin.

Napahinga na lang ako ng malalim at wala ng nagawa.

Masaya syang nagtingin tingin ng gamit at di ko maiwasan di rin ma-excite. Lalo na sa maliliit na medyas, sapatos at damit.

"Jez, look. Bilhin mo to." turo ko sa kanya ng kulay puting medyas na may ribbon. Sobrang cute.

"Okay." nakangiting sagot ni Jez at kumuha ng tatlong pares bago nilagay sa push cart namin.

Hindi ko na namalayan na panay na pala ang turo ko kay Jez. Mga laruan, damit at kung ano ano pa. Sa dulo ay mas marami pa akong nailagay sa cart kaysa kay Jez.
Naka limang paper bags kami.

Pagkatapos mamili ay kumain naman kami sa labas. Habang kumakain ay napansin kong nakatingin si Jez sa kamay ko.

Dun ko lang naaalala na suot ko pa rin pala ang singsing na bigay ni Renz. Hindi ko kasi ito hinuhubad kaya di ko napansin.

Pasimple ko naman tinago sa kanya ang kamay 'ko.
Narinig ko na lang ang malalim na buntong hininga niya.

Pagkatapos kumain ay umuwi na rin kami dahil bawal naman akong mapagod ng sobra.

Dumiretso kami sa kwarto ko para dun ilagay ang mga pinamili namin. Wala pa kasi kami mapaglalagyan nun. Wala pa kaming nursery room.

"Jez.." hinawakan ko sa laylayan ng damit si Jez matapos niyang mailapag lahat ng gamit.

"Why?" takang tanong niya.

Hindi ako sumagot at hinila na lang siya pahiga ng kama.

May pakiramdam ako ngayon na gusto ko maglambing sa kanya.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon