Sabi ni Jez family day daw namin ngayon. Sinama niya ako sa pamilyar na simbahan.
Sa simbahan kung saan dapat kami ikakasal ni Renz. Sa simbahan kung nasaan si Neri.
Inalalayan ako ni Jez maupo sa bandang unahan. Medyo konti pa lang ang tao dahil ilang minuto pa bago magsimula ang mass.
Pansin ko naglilibot ang mata ni Jez parang may hinahanap at may katext.
Sinubukan kong balewalain yun kahit may kutob na ako kung bakit siya ganon.
Maya maya ay may lumapit na madre sa amin. Si Neri.
"Hello, akala ko di ka makakapunta. Hindi ka nasagot ng tawag 'ko e." inangat pa nito ang cellphone niya na de keypad.
"Sorry. Nabusy kasi hehe" Jez said scratching her head. "Nga pala, sinama ko si Klaisse."
Ngiting ngiti ani niya. Humawak naman ako sa braso niya at ngumiti kay Neri.
"Welcome here, Klaisse." tumango lang ako sa kanya. Di ko talaga kaya makipag-usap sa kanya ng kaswal.
"Sige Jez, dun na ako. Klaisse" paalam niya na humawak pa sa braso ni Jez.
Pagkaalis ni Neri ay pinagmamasdan ko lang si Jez. Nakangiti siyang nakatingin sa unahan, parang kumikislap pa ang mata niya. Halatang masaya siya.
Tahimik na lang ako nakinig sa mass. Tahimik lang rin naman si Jez na nakikinig sa pari. Pero hindi makatakas sa mata 'ko ang mga pasimpleng sulyap niya kay Neri.
Pauwi na kami habang nagddrive siya ay nagsalita siya.
"Ang gandang madre ni Neri nuh?" biglang turan niya.
Aminado naman ako dun. Maganda talaga si Neri. Muka siyang anghel.
Pero di ko magawang sumang-ayon kay Jez.
"Alam mo, sobrang bait nun. Hindi pa siya madre madami na siyang natulongan at nabahaging sali--"
"Pagod ako Jez, matutulog muna ako." pagputol ko sa kwento niya at napikit.
Hindi ako interesado kay Neri. Hindi ako interesado sa babaeng hinahangaan niya.
Pagdating namin sa condo ay nagpalit lang ako saglit ng pambahay at nahiga na sa kama.
Nag-hubad din ng suot si Jez. Naka-sports bra lang siya kaya litaw na litaw ang maganda nyang katawan. Tapos boxer sa iba na wala atang suot na undies kaya bakat na bakat yung mahaba niyang ano.Nagpatuloy lang siya ayusin ang mga gamit ko. Palakad lakad siya at nakakagawa rin ng ingay kaya di ako makatulog.
Naisipan kong kunin ang cellphone 'ko at nag-search tungkol sa mga madre. Kung anong mga bawal sa kanila.
Una kong nakita ay dapat mamuhay sila ng simple. Ibig sabihin pinili ni Neri ang simpleng buhay kaysa sa kayamanan. Galing sa mayamang pamilya si Neri e.
Sunod ay bawal ang mga social medias account at smartphones. Kaya pala na ka-keypad na lang sya kanina at nag-deactivate ng mga account niya last year.
Nakita ko rin na bawal sila magsuot ng liberated na damit. Pero nag swimsuit siya nung nasa Cebu kami.
"Jez, kailan pumasok sa kombento si Neri?" curious na tanong ko dito.
Natahimik naman si Jez at parang nag-iba ang itsura ng muka. Para syang nalungkot.
"Last January. After natin magpunta sa Cebu. Novice pa lang siya. Matagal pa bago sya maging madre talaga" sagot ni Jez.
Sa sobrang curiosity ko ang nagsearch pa ako. Nalaman ko na anytime pwede umalis sa pagmamadre si Neri.
Kaya ba ayaw magpakasal sakin ni Jez?
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...