Special Chapter

14.8K 395 118
                                    

Nagkasundo silang dalawa na subukan muling ayosin ang relasyon. Magsimula sa umpisa, paunti unti at pag-usapan ang mga bagay bagay.

Usap gamit ang mga salita at hindi ng katawan.

Sa lahat ng nangyari sa kanila ay napagtanto nila na marami silang hindi napag-uusapan. Mas nauuna pa mag usap ang mga katawan nila.

Mas nauuna pa ang mga kagustohan nila kaysa sa kagustohan ng bawat isa.

"Mag-iingat kayo dun." bilin ni Siena sa dalawa.

"Sige po, Tita. Iingatan po namin isa't isa." nakangiting sagot ni Klaisse.

Tuloyan na silang nagpaalam sa pamilya nila at sumakay sa eroplano.

Si Klaisse ang nakaupo malapit sa bintana. Magkahawak ang kamay nila habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Jez.

Hindi na siya natatakot o nahihiya sa sasabihin ng iba tungkol sa kanila. Sobrang vocal na rin ito sa nararamdaman niya sa kasintahan.

Malaki naging epekto sa kanya ng pagkawala ng anak nila at ang pag-suko ni Jez sa relasyon nila.

Masasabing mas maayos na ang pagsasama nila ngayon at di hamak na mas masaya.

Madalas sila na pumupunta sa kung saang saang lugar para magbakasyon tulad ngayon.

"You sleep first.." bulong sa kanya ni Jez habang hinihimas ang buhok niya.

"Gaano katagal biyahe papuntang Indonesia, mahal?" inaantok na tanong sa kanya ni Klaisse.

"Almost 4 hours." tumango naman si Klaisse at tuloyan ng natulog.

Makalipas ang ilang oras na biyahe papunta sa Indonesia, Bali ay nakarating na rin sila sa isang hotel.

"Wow! Sobrang ganda, Mahal!" masayang turan ni Klaisse ng makita niya ang tanaw na dagat mula sa bintana.

Lumapit naman sa kanya si Jez at tumabi para makita ang tinutukoy nito.

"Not as beautiful as you." nakangiting tugon nya kay Klaisse. Natawa naman ang huli. Pinatong niya ang mga kamay sa balikat nito at kinapitan ang batok.

"Kiss me if i'm beautiful." nakangising panghahamon niya sa nobya.

Napangiti namn ito sa kanya at mabilis na dinampian ng halik ang ilong niya. Agad naman siyang napalabi sa ginawa nito.

"Sa lips, Mahal." giit niya dito.

"Thirsty for my kisses?" nakangising tanong niya. Halatang nang-aasar.

"Craving for you.. Always." walang kagatol gatol na sagot nito sa mapang-akit na tono.

"As you should." ani ni Jez bago mabilis na inangkin ang labi niya.

"Uhmm.." pag-alpas ng mahinang ungol ni Klaisse.

Nag-aalab ang paghahalikan nila ng umagwat sa kanya si Jez.

"Mamaya na honeymoon. Let's eat first." ngumiti naman si Klaisse na sumang-ayon dito.

Magkahawak kamay silang lumabas ng kwarto papunta sa restaurant ng hotel.

Pagpasok nila ay pansin agad ni Jez ang mga matang nakatingin kay Klaisse.

Nilingon niya ito na agad naramdaman ng huli kaya hinarap siya.

"Why?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Sa loob loob ni Jez ay parang gusto niya ng takpan ang muka ni Klaisse o di naman ay dukutin ang mga mata ng mga lalaki na natingin dito.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon