"Klaisse?" nahinto ang kamay ko sa pagkatok ng may marinig akong tumawag sa akin.
"Tita." mahinang bati ko dito.
"May kailangan ka ba kay Jez? Kanina ka pa dyan. Gusto mo, tawagin ko siya?" sunod sunod na pahayag nito.
"Ha? Hindi po. Si Jez ba nandito? A-Akala ko po si Renz. Hehe" pagpapalusot 'ko.
Ano ba naman kasi pumasok sa isip ko. Argh.
"Ganon ba? Sa kabilang pinto si Renz." nakangiting pahayag nito.
"Ah ganon po ba? Sige po. Salamat." nagmadali na akong tumalikod sa kanya at pumasok na sa kwarto ko.
Argh! Bobo! Muntik na yun.
Kumakanta pa rin si Jez. Rinig ko pa rin sya kaya kinatok ko ang pader na pagitan namin. Tumahimik naman siya.
"Gustong magpahinga ng tao, pwede tumahimik ka?!" pagsusungit ko dito pero narinig ko lang ang pagtawa niya.
"Sorry." sagot nito.
Naupo ako pasandal dun sa pader. Rinig ko pa rin mahinang pag-strum nya sa gitara.
"Klaisse..." mahinang tawag nya
"Uhm?" niyakap ko ang tuhod 'ko at naghintay ng sunod niyang sasabihin.
"Naalala mo nung mga bata tayo?" hindi ako umimik sa tanong niya.
(Mary's Song by Taylor Swift)
"Halos hindi tayo mapaghiwalay.. Pero ngayon halos dalawang taon na tayong hindi nakakapag-usap."
Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at inalala iyon.
"Masungit ka pa rin hahaha" nang-aasar na turan nya sakin pero imbes na maasar ay napangiti ako.
Pagkatapos ng sinabi niya ay wala ng nagsalita pa. Nanatili lang ako sa pwesto ko. Alam ko at ramdam ko na nasa likod ko lang rin siya. Nakasandal.
May pagitan lamang na pader.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahihinang hikbi.
"Jez?" mahinang tawag ko sa kanya.
Hindi agad siya nakapagsalita.
"Ang daming nagbago.. If i could turn back time, i will didn't risk our friendship. Sana hindi na lang ako umamin. Sana nakuntento na lang ako. Sana kahit papaano, nakakalapit pa rin ako sayo ng malaya." napatingala ako para pigilan ang pag-iyak 'ko.
Pero traydor ang luha 'ko kusang bumagsak iyon. Napakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang paghikbi ko.
"Klaisse, hindi na ba tayo mababalik sa dati? K-Kahit yung pagkakaibigan lang natin." hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Ayuko. Ayukong pumayag sa gusto niya. Hindi ko matatanggap na maging kaibigan ulit siya.
"Promise, makukuntento na ako."
*tok *tok *tok *tok
Bago pa ako makasagot ay may kumatok sa pinto 'ko.
Mabilis akong tumayo at pinunasan ang luha ko bago buksan ang pinto.
"Tara na sa labas? Inaayos na namin ang pang-Noche Buena." nakangiting salubong sa akin ni Mommy.
"Sige po." tinitigan ako ni Mommy sa sinagot ko na parang binabasa ako.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...