It feels like the time stops.
Every moment for me seems so unreal.
I'm alive but barely breathing. Hindi ko alam gagawin ko para bukas. Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama 'ko.
Pagod na ako sa lahat, pati ata sa pagluha ay napagod na rin ang mata ko dahil wala ng nalabas.
Punong puno ako ng pagsisi. Ngayon ko lang lahat naiisip, lahat ng pinagsamahan namin ni Jez.
Mula ng mga bata kami, lagi siyang nandyan para sakin. She's my friend, sister, enemy and my one and only love. She's my everything.
She gaves me everything and i took it for granted.
Mahal ko siya pero di ko pinaramdam ng buo sa kanya yun. Lagi akong natatakot masaktan.
Pero sa dulo, yun pa ang dahilan kaya ako nasasaktan ngayon.
Hindi ako sang-ayon sa sinabi ni Jez. Para sa akin kung pagbibigyan niya pa ako, magiging maayos na kami.
I know now, how to love her. I can be the best version of myself now.
Kaso ganon ata talaga, marerealize mo ang lahat kapag huli na. Kapag wala na siya sayo.
Haay.
Binaling ko ang ulo ko sa gilid. Nakita ko ang bible na nakapatong sa bed side table, may rosaryo pa ito sa ibabaw.Kay Jez ang mga iyon.
Tinatamad na inabot ko ang rosaryo at tinitigan sa kamay ko.
Sa tagal kong nakatitig dun ay di ko alam ang pumasok sa isip ko.
Nag-ayos ako at natagpuan ang sarili sa loob ng simbahan. Hawak hawak ko pa rin ang rosaryo.
Naupo ako sa bandang unahan ng altar. Walang gaanong tao sa simbahan dahil walang misa.
Nakatitig lang ako imahe ni Hesus.
"Kapag ba nagdasal ako sayo, ibibigay mo?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
Dahan dahan akong lumuhod.
Pinikit ko ang akin mata at yumuko.
Ramdam ko ang bigat na dinadala 'ko ngayon.Ramdam ko rin na parang may malamig na hanging yumayakap sa akin ngayon.
"Please. Nakiki-usap ako sayo.. Bigyan mo ako ng dahilan pa para mabuhay." paki-usap ko sa kanya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko pero di ko alam saan sisimulan." ang malamig na hangin na yumayakap sakin kanina ay unti unting nagiging mainit.
Para itong pumapasok sa katawan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito presence.
Unti unti ulit akong nag-angat ng ulo at nagdilat ng mata.
Sa pagmulat ko ay nakita ko ang grupo ng mga madre.
Nag-tampo ang mata namin ni Neri na kinagulat naming pareho.Dahan dahan siyang ngumiti sa akin at lumalapit.
Huminto siya sa tapat ko at naupo sa tabi ko.
"Kailangan mo ng kausap?" mabait na tanong niya na kinailing ko.
"Kasama ko siya." ani ko.
Ngumiti siya sa akin at nakuha ang ibig kong iparating.
"Kumusta ka?" mahinang tanong niya ng hindi natingin sa akin, sa unahan lang sya nakatingin kung saan din ako nakatingin.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...