Chapter Fifty

8.5K 241 81
                                    

"Sister Neri, magkakilala kayo?" tanong ng isang madre sa kanya.

Oh my gosh. She's a nun!!

"Opo. She's a friend." sagot niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

So that's the reason why she's so kind, thoughtful and selfless. And it means, there's nothing between her and Jez?

"Ano ginagawa niyo dito, Klaisse?" malambing na tanong niya sa akin.

"We're here for wedding interview." si Renz ang agad na sumagot para sa akin.

"No." mariing tutol 'ko at humarap kay Renz.

"I-I'm sorry. I can't." mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Hinabol ako ni Renz at ng naabotan niya bago tuloyang makalabas ng simbahan ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Klaisse.. Are you backing out?"

"Renz, this is wrong. This is unfair to Jez and also to you." kumunot ang noo niya at kitang kita ang pagtutol sa mata niya.

"It's fine with me. I told you, it's okay with me. Use me. I don't care!" his frustrated voice echoing inside the church.

Napabuntong hininga ako. Breaking his heart is also hard for me.

"Renz. I'm sorry. I can't." tuloyan syang nanghina at napayuko lang.

Bumitiw ako sa kamay niya at naglakad na palabas ng simbahan.
I stopped a taxi and dropped off to the Del Valle's mansion.

Agad 'kong hinanap si Jez pero wala siya dun. Si Veer lang ang nakita ko.

"Ate Klaisse, what brought you here? OMG! I miss you!" masayang salubong niya sa akin at niyakap pa ako ng mahigpit.

"I miss you too but where's Jez?" my baby badly want to see her.

"She's still at work, ate. Why?"

"Okay. I need to go." paalam ko sa kanya at hindi na hinintay pa sagot niya.

Naiwan ko dito ang kotse ko kaninang umaga kaya nagamit ko iyon papunta sa company building nila Jez.

Pagpasok ko dun ay nakilala ako ng receptionist. Medyo matagal na rin kasi siyang nagtatrabaho sa company na ito.

"Hi. Where's Jez office?" agad na tanong ko sa kanya.

"Hold for a second Ma'am. I'll call her secretary." tumango naman ako.

May dinial siya sa phone at saglit na kinausap bago ako binalikan.

"Ma'am, she's not in her office. She's at the fabrication."

Nakaramdam naman ako ng pagka-irita. Ang hirap niyang hagilapin! Idagdag mo pang nagugutom na kami ni Baby.

Mainit na ang ulo kong nagtungo sa fabrication.

Pagdating ko dun ay pinagtitinginan nila ako, dire-diretso lang ako hanggang may umawat sa akin.

"Ma'am, bawal po pumasok ng walang PPE na suot." tinitigan ko ng masama ang lalaking naka suot ng parang lab gown at hairnet.

"Where's your boss?" tanong ko sa kanya.

Nagtatanong ang mata niya. Hindi niya matukoy sino tinutukoy ko.

"Jezriel Del Valle." pagbanggit ko ng pangalan nito ay parang nagliwanag ang muka niya.

"Si boss Jez. Nasa loob po ng pagawaan, may quality inspection po kasi ngayon. Gusto niyo po hatid ko na lang kayo sa office niya at sabihin ko pong hinahanap niyo siya. Ano po pangalan niyo Madam?" magiliw na sagot nito.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon