The moment i opened my eyes then saw colors, recognised faces and met the world is the same moment i love her.
I love her.
Hindi ko pa alam ang ibig sabihin nun, hindi ko pa maintindihan ang pakiramdam na 'yon pero sigurado na ako noon pa man.
"Good morning, Tita!" bati ko kay Tita Ru. Mommy ni Klaisse.
"Good morning, Jez. Ang ganda ng sapatos mo ah." puna niya sa bagong sapatos ko na nailaw pa.
"Hehe" nakamot sa batok na sagot ko. Mahiyain kasi talaga ako.
"Tita, si Klaisse po?" agad na tanong ko sa kanya.
Si Klaisse ang kababata ko. Ang ganda ganda niya tapos napakatalino.
"Tulog pa si Klaisse eh." magiliw na sagot niya pero kinalungkot ko.
Ewan ko ba, lagi akong excited makita siya. Pag-gising ko kinukulit ko agad si Kuya Edgar na pumunta kami dito. Si Kuya Edgar ang personal body guard at driver ko.
"Pero pwede mo naman siya puntahan sa kwarto niya at hintayin magising." lumiwanag ang muka 'ko at nagmamadaling tumakbo paakyat sa kwarto niya.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto para di sya magising.
Tahimik akong naupo sa sahig at nakapangalumbaba sa kama habang pinagmamasdan siya.
Napakaganda niya talaga. Di ko maiwasan hindi mapangiti.
Simula din nun ay lagi na akong maagang pumupunta sa kanila para may oras akong titigan siya. Hindi ako nagsasawang titigan sya.
Hanggang isang umaga habang pinagmamasdan ko siya ay may kung ano sa loob 'ko. Hindi ko maintindihan.
Lumapit ako sa kanya at dinukwang ang muka ko palapit kay Klaisse.
"Klaisse?" mahinang tawag ko sa kanya pero di siya kumibo, mahimbing siyang natutulog.
Tumingin ako sa likod ko at sa paligid para tingnan kung may tao.
Nang masigurado kung wala ay bumalik ang tingin ko sa napakagandang muka niya, nadako ang tingin ko sa labi niya.
Sunod sunod ang naging paglunok ko at halos di na ako makarinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Unti unti ay nilapit ko sa kanya ang muka 'ko... Hanggang sa..
Hanggang sa lumapat ang labi ko sa malalambot nyang labi.
Mabilis akong umagwat sa kanya at muling lumingon sa paligid. Pakiramdam ko nakagawa ako ng krimen sa sobrang kabang nararamdaman 'ko.
Nang makalma ako ay muling bumalik ang tingin ko sa kanya at sa labi niya.
Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan 'ko at napangiti.
Ang pangyayaring iyon ay nasundan ng nasundan. Araw araw ko syang ninanakawan ng halik sa labi niya.
"Good morning, Klaisse hehehe" kinikilig na bati ko sa kanya. Binabati ko siya lagi bago siya nakawan ng halik para masiguradong tulog siya.
Nang hindi siya sumagot ay muli kong inangkin ang labi niya ng ilang segundo.
"JEEZ!!" napalundag ako ng makarinig ng malaking boses sa likod ko.
"T-Tita Ru.." kinakabahang tawag ko sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...