Chapter Thirty Eight

7.4K 278 88
                                    

Nakatitig lang ako kay Renz. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

Ngumiti siya at nilapit sa akin ang muka niya kaya mabilis akong napalayo.

"Just on your forehead." paalam niya kaya tinangoan ko siya at pumikit na lang.

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo 'ko.
Sandali lang rin ay umagwat na siya sa akin.

Dinilat ko na ang aking mata, ngumiti siya ng matamis sa akin.

"Goodnight." he said then closed his eyes.

Pinikit ko na rin ang mata ko para makakuha ng tulog. Hindi talaga ako makatulog ng nakaharap sa kanya. Hindi ako komportable kaya tumalikod na lang ako at dun na ako nakatulog.

Nagising akong nakatalikod pa rin sa kanya. Pagsilip ko ay mahimbing pa rin siyang natutulog yakap yakap ang unan na nasa pagitan namin.

Nakahinga ako ng maluwag.

Pakiramdam ko, nakaligtas ako isang malaking pagsubok. Really a sigh of relief.

Bumangon na ako.
Dumiretso ako sa cr at nag-ayos na ng sarili 'ko. Pagkatapos ko mag-ayos ay tulog pa rin si Renz kaya ako na lang mag-isa bumaba.

Naabutan ko si Tito Cale na nagkakape at may kausap sa phone. Sakto naman ng makita niya ako ay pinatay niya na ang tawag.

"Bakit ang aga mo ata nagising?" takang tanong niya.

Tinignan ko naman ang wall clock na nakasabit.

"9 am na nga po eh." magalang na sagot 'ko at nagtimpla na rin ng kape ko. Kami pa lang ata ang gising.

"Pero madaling araw na tayo natulog kagabi. May lakad ka ba?" usisa pa rin niya.

"Mamayang gabi pa po. Sa bahay nila Renz." nahihiyang sagot ko sa kanya.

Syempre, Daddy ng ex ko yan.

"Ah. Nakatulog naman kayo ng maayos? Nakauwi na ba sya?" umiling naman ako at naupo sa tabi niya.

"Tulog pa po siya. Baka napuyat" tumango tango naman si Tito Cale tapos humigop sa kape niya.

"Kumusta ka naman? How's Spain?"

Kumusta nga ba ako? Okay lang naman diba? Wala naman akong nakikitang dahilan para maging hindi.

"Masaya ka ba?" muling tanong niya ng hindi ako makasagot.

"Oo naman po. Hehe syempre kasama ko kayo nila Mommy. Masaya po ako. Namiss ko kayo." tumango tango naman sya at ilang sandaling pinatong ang kamay niya sa ulo ko bago ngumiti.

Tinanggal niya ang kamay sa ulo ko at muling nainom sa kape niya.

"Kailan balik mo Spain?"

"January 1 night po."

"Ang saglit naman ng bakasyon mo."

"Oo nga po e. Kailangan ko po kasi bumalik agad." tumango tango naman siya.

Tahimik na kaming uminom ng kape hanggang unti unti ng gumigising ang lahat.

"Klaisse.." tawag sakin ni Renz pagbaba niya ng hagdan. Nakaligo na sya at nakabihis, handa ng umuwi.

"Uuwi ka na? Kumain ka muna ng tanghalian." aya ni Mommy sa kanya.

"Ah. No, thank you po. I really need to go." magalang na pagtanggi niya at lumapit sa akin.

"Sorry, i used your bathroom without your consent." paumanhin niya sa akin.

"No. It's fine." nakangiting sagot ko sa kanya.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon