Chapter Thirty Nine

7.7K 242 137
                                    

Jez never talk to me until i flight back to Spain.

Si Renz ang sumama kay Mommy na ihatid ako sa airport. Walang nihaniho si Jez. Kahit simpleng bye ay wala man lang.

Sobrang sama ng loob ko sa kanya. Sa sama ng loob ko ay blinock ko ulit sya sa lahat ng social media niya pati na rin si Neri.

Ayuko ng makarinig pa ng kahit ano tungkol sa kanya.

Simula ng bumalik ako sa Spain ay ginugul ko na lang oras ko sa pag-aaral.

Nagkaka-usap pa rin kami ni Renz. Nililigawan nya pa rin ako. Wala naman kaming nagiging problema kahit nagiging matumal ang pag-uusap namin dahil parehas kaming nabubusy at dahil na rin magka-iba ang oras. Late ng 6 hours dito sa Barcelona.

Hindi ko pa siya sinasagot kasi di naman siya nagtatanong at hindi ko rin alam isasagot ko kapag nagtanong siya.

Mag-iisang taon na rin sya nanliligaw. Dumalaw sya sakin last month pero saglit lang rin dahil kailangan nya na bumalik sa Philippines.

Napatingin ako sa calendar na nakapatong sa table 'ko.

Malapit na pala birthday ko.

Maalala kaya niya akong batiin? Kahit  hindi man lang ako nag-abalang batiin siya birthday niya?

Haay. Napabuntong hininga ako. Naiisip ko na naman siya.

Oo, siya. Hindi naman siya nawala sa isip 'ko.

Oh isang taon na at tatlong araw
Naghihintay sayo dumating balang araw
Oh binibilang ang gabi na di ka katabi
Sabi mo kasi, uuwi ka na rin

Gustong gusto ko ng tignan ang social media niya para malaman ko mga ginagawa niya pero natatakot akong masaktan sa makikita 'ko.

Natatakot ako na baka ang makita 'ko ay sila na Neri at pino-post niya na yun in public tapos binura nya na mga picture namin.

I know, i shouldn't act like this pero siguro naiinis lang rin ako dahil alam ko na okay si Neri.

She's kind, smart, pretty, sociable and fashionable. She's better than me.

At masakit sa pride kong isipin na nakahanap si Jez ng higit sa akin.

                                                                          

Nakaabang sa pinto hawak ay larawan mo
Nasasabik na marinig ang tamis ng boses mo

                                                                    
Mabilis na lumipas ulit ang mga araw. Hanggang dumating na ang araw ng birthday 'ko.

Nagising ako sa tawag ni Mommy.

"Hi Mom." masayang bati ko dito kahit inaantok pa. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw dito.

May hawak si Mommy na cake na may candle sa gitna. Nasa likod niya si Tita Siena, Tito Cale at Veer.

Napangiti ako ng mapait ng di ko makita si Jez.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday dear Klaisse!" masayang kanta nila sa akin.

"Thank you po." nakangiting tugon 'ko. Nakahiga pa rin ako sa kama.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon