Chapter Four

13.2K 343 84
                                    

"Awiehh. Ang cute naman nyan. Saan mo nakuha?" tanong ni Tita Siena kay Jez.

Nahihiya namang tumuro sa malayo si Jez pagkatapos ay nilagay ang dalawang kamay sa likod, hawak hawak nya pa rin ang bulaklak.

"Anong gagawin mo dyan?" tukoy ni Mommy sa hawak ni Jez.

Nag-angat ng tingin si Jez at tumingin sa akin. Agad akong nahiya at nagtago sa likod ni Mommy.

Marahang hinihila nya ang laylayan ng damit ni Tita kaya yumuko ito para ilapit ang tenga. May binulong si Jez kay tita at nahihiyang nagtago sa likod nito.

"Dali na. Wag ka na mahiya." udyok sa kanya ni Tita, pilit siyang pinapalabas mula sa likod nito.

"Klaisse, may ibibigay daw sayo si Jez." nakangiting ani ni Tita sa akin habang tinutulak si Jez papunta sa akin.

"Sige na Jez, ibigay mo na." udyok din ni Mommy sa kanya pero nagtatago lang ako sa likod.

Ilang sandali pa ay tumakbo si Jez palapit sa akin, iniaabot ang pinitas nyang bulaklak pero hindi natingin.

"Anong gagawin mo, Klaisse?" tanong sa akin ni Mommy.

Nahihiya akong tinanggap iyon mula kay Jez. Pagkatanggap ko ay sya namang takbo ni Jez pabalik sa likod ni Mommy Siena.

"Awieh. Nahihiya ang baby 'ko." tudyo ni Tita sa kanya.

"Ano sasabihin mo, Klaisse?" muling tanong sakin ni Mommy.

"T-Thank you.." agad na ngumiti si Jez sa sinabi 'ko.

"Kiss mo daw sya, Jez!" utos ni Tita Siena sa kanya. Umiling iling naman si Jez at lalong sumiksik sa likod ni Tita.

"Bakit ayaw mo, okay nga lang kay Klaisse eh. Diba sweety?" tanong sakin ni Mommy.

Napakagat  ako sa labi ko at nahihiyang tumango.

"Oh, dali na Jez!" pagpapalakas ng loob ni Tita sa kanya.

Sumilip si Jez sa akin at ng makita ako at tumakbo siya palayo sa amin.

----

"Hindi ako nanunuod ng mga ganyan, Jez" seryosong ani ko at muli ng naglakad patungo sa kotse 'ko. Bago ako tumalikod nakita ko pa ang pagbagsak ng balikat ni Jez.

"Dito na ako." pahayag ko pagkahinto ko sa tapat ng kotse. 

Nakangiting inabot niya sakin ang mga libro ko pero alam kong peke ang mga ngiti na yun.

"Bye, Klaisse. Careful on your driving." tumango lang ako sa kanya at pumasok sa loob.

Agad kong binuhay ang kotse at umalis. Pagtingin ko sa side mirror nakita ko pa si Jez na nakasunod ng tingin. 

haay...

Pag uwi ko sa bahay ay pabagsak akong nahiga sa kama. Kinuha ko ang libro ng romance novel na binabasa ko at pinagpatuloy basahin yun.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay sumagi sa isip ko ang malungkot na itsura ni Jez kanina.

Napatingin ako sa bubuyog na stuff toy na nasa tabi ko. Bumangon ako at saglit na kinuha yun bago muling mahiga sa kama.

"Bee, dapat ba akong pumunta dun?" pagkausap ko dito pero nagtitigan lang kami.

"Bakit naman ako pupunta dun diba? Ang ingay ingay dun tapos ang dami dami pang tao." patuloy na pagdepensa ko, hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapaliwanag. tsk!

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon