00

25.3K 317 21
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Please do VOTE| COMMENT| FOLLOW.


•••

SIMULA

Everything is like a circle. Everything I do seems to have no end.

But even if I'm not with the most important people in my life... As long as I know they are safe, I'm okay.

Nakaupo ako sa sofa habang ang paa ay nakapatong sa center table at nagbabasa ng libro. I also wore my earphones so I could focus more.

Actually, hindi naman talaga ako literal na nag-iisa. Dahil may dalawa akong bodyguards na kasama at kasundo ko sila. I also have a younger sister, but she's not here in Manila. She currently lives in Vigan, Ilocos.

"Scarlet..." Umingos ako nang hugutin ni Morgan ang earphone sa aking tenga.

"What?" Iritado kong tanong.

Nakitang nagbabasa yung tao tapos iistorbohin niya! Boplaks talaga 'to minsan, eh.

"Dinner's ready, you should eat..." Aniya pa.

Tumango ako. "Susunod ako..."

"Ngayon na." Sumeryoso na ang boses niya.

Tumaas ang kilay ko. "Mamaya, saglit..."

"Isa..." Bilang niya.

I rolled my eyes and was about to open the book again but he suddenly slapped my hand! Uminit ang ulo ko at binato agad sa kanya ang libro na nasalo naman agad niya.

"Piece of—"

"Shit, oo alam ko na 'yan. Now, eat..." Napailing siya bago ligpitin ang mga kalat ko.

Ilang saglit ko pa siyang tiningnan ng masama bago padabog na tumayo at dumiretso sa dining. Phoenix was already there, he was standing near the counter while mixing something... brown.

"What's that?" I curiously asked.

"Gravy, Scarlet..." Tipid niyang sagot.

Compared to the two of them, Phoenix was more ​​quiet and colder than Morgan. Si Morgan kasi ay mapangasar, kumpara sa isang 'to.

"Home made, huh. Masarap ba 'yan?" Tumaas ang kilay ko.

"Oo..."

"Weh?" Sinawsaw ko ang aking daliri doon at sinipsip para matikman ko.

I hummed as I nodded. Masarap nga. Tama lang yong lasa at nanunuot talaga. Pero siguro mas masarap 'to kapag chicken ang sinawsaw ko at hindi ang sarili kong daliri.

"Wash your hands, ihahanda ko na 'to..." Napailing din sakin si Nix bago ilagay ang ginawa niyang gravy sa mesa kasama nung iba pang ulam.

Ako naman ay ginawa ang sinabi niya bago naupo sa upuan. Morgan also entered the dining and I immediately glared at him sharply. Nagkibit balikat nalang siya bago naupo sa katabing upuan ni Phoenix na kaharap ko.

We silently ate the food that Phoenix cooked. Ganito naman lagi, walang kwentuhan na nagaganap sa pagitan ng pagkain dahil ayoko ng ganon. Except nalang kung hindi talaga napipigilan.

Nakuha ko ata ang ganitong ugali sa mga magulang ko. They believe in 'Talking with food in one's mouth is seen as very rude.'

"I want to spend my vacation with Shanele..." I suddenly said right after we eat.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now