Chapter 9

3.6K 124 9
                                    


RAIN


Maddieson is obviously avoiding me.

Wala namang problema doon, tingin ko nga ay mas mabuti pa ang ginagawa niya ngayon. Sadyang hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili ko. I'm the one who wanted this, I shouldn't feel guilty. 

I shouldn't feel this, the feeling of being incomplete and... down. I should be fine, pero taliwas ang lahat ng 'yon. Hindi ko maintindihan ang parteng ito ngayon sa akin. I want to scold myself, because I know that this isn't right. Nothing is right, at all.

Ngayon ay nakatunghay ako sa veranda ng aking kwarto. Malamig ang hangin dahil hating gabi na. Why I'm still awake at this time, I also don't know. Wala naman akong pasok bukas kaya ayos lang.

I caressed Midnight's thin fur. Lalo itong humilig sa dibdib ko. Naupo ako sa upuan na malapit sakin, itinaas ko din ang paa ko at pinatong 'yon sa mini table. Hindi ko naman ramdam ang lamig dahil naka hoodie ako at pajama.

My eyes went to Maddieson's room. Madilim na doon at mukhang tulog na siya. I sighed, halos isang linggo na itong umiiwas sakin. We have always saw each other but we never bothered to talk. He never bothered.

Sa totoo lang ay natutuwa din naman ako kay Maddieson dahil hindi siya mahirap kausap. He's annoying and also stubborn back when we're still talking, but I did not expect him to be easy to talk to. Ang akala ko kasi... ipipilit niya din. 

Funny how I expect him to be that guy, huh? Napailing nalang ako sa sarili.

Ilang saglit pa akong nanatili sa veranda hanggang sa naramdaman ko na ang antok. I let go of Midnight and he immediately run inside of my room, ako naman ay saglit pang nag-unat bago sumunod at sinarado ang sliding glass door.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nga may pupuntahan akong group work sa bahay ng isa sa mga kagrupo ko. His name is Evander, siya lang ang nakilala ko dahil siya lang 'yung lumapit sakin.

"Alam mo ba kung saan ang lugar na pupuntahan mo, Rebecca?"

Umiling ako sa tanong ni Phoenix. "That's why they will pick me up here..."

"I'll go with you-"

"No way. I can handle myself, Nix." Putol ko agad sa sasabihin niya bago ako naghain para sa sarili ko.

"No one will leave then."

Agad na tumaas ang kilay ko at marahas na humarap sa kanya. "What wrong with you? I said I can handle myself!"

Tila nagulat ito sa pagtaas ko ng boses. He stared at me for a moment before he sighed. Napasabunot siya sa sariling buhok at umiwas ng tingin.

"Alam mong hindi kita pwedeng hayaan sa kung anong gusto mo ngayon, Rebecca. You're new here, and we both know that it's still dangerous for you!"

"Hindi na ako bata, Phoenix..." Huminga ako ng malalim, kinakalma ang sarili.

"Alam namin 'yon, kaligtasan mo ang gusto ko dito-"

"Fine! Sumama ka!" Putol ko sa sasabihin niya bago ako padabog na umalis sa dining, hindi ko na natapos ang pagkain ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko ngayon, basta naiinis ako! 

Diretso akong naligo at nagsuot ng kumportableng damit. I wore plain black over-sized shirt and pants, itinali ko din ang buhok at naglagay ng kaunting lip gloss dahil maputla ang labi ko.

Dinala ko din ang bag ko dahil nandon ang mga kakailanganin ko para sa group work na gagawin. When the clock strikes 10, my group mates arrived. Sakay sila ng dalawang tricycle.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now