Chapter 25

3.7K 136 11
                                    


WOMAN

To be hurt by someone you didn't expect that can actually crushed you is a different kind of feeling. It was like your whole system is being killed.

Gaya nga ng sinabi ko ay may mga bagay tayong hindi natin inaasahang dadating. The night I will never forget. The one night that killed every hope and happiness inside of me.

I carefully removed the bracelet I was wearing. Matagal akong napatitig doon. I read an article that if you want to move on, you must start to forget the things and even the people who have hurt you. And this bracelet belongs to him, he gave it to me. Hindi ako mapapakali hanggat nakakabit pa ito sa katawan ko.

Going back to that traumatic night, I also didn't notice his bracelet, or baka kasi nakafocus ako sa kanya at sa sakit na naramdaman ko noon.

I will not literally forget him, as if I can, huh? All I want is to erase all the bad and hurtful memories from him. 

"Ate, time to eat..." My thoughts were cut off by Shanele's voice.

Mula sa pagkakatulala ay inilipat ko ang tingin sa pintuan ng aking kwarto. And there I saw my younger sister, standing in my doorway.

"Susunod ako..." Sabi ko.

I heard her sighed. Tuluyan na siyang humakbang papasok sa aking madilim na kwarto at sinarado ang pinto. I looked away.

"Ate, you have been like this for the past two months. You can tell me all your problems, I'm ready to listen..." She said sincerely.

Nanatili akong tahimik. Tama siya, dalawang buwan na ang nakalipas. It has been two months since I left the Philippines at iniwan ang lahat doon, pero ang sakit na dinulot ng isang lalaki sakin ay pinili ata akong samahan hanggang dito sa France.

I even remember everything that happened after that scene in the park.

"Lady Scarlet! Pourquoi pleures-tu?" Why are you crying?

Natatarantang tanong sakin ng bodyguard na sinama ko bago ako pinayungan. I was having a trouble in breathing and there was again the debilitating pain from my side waist that caused by the bullet wound, sumabay pa ang nakakamanhid na sakit sa aking puso dahil sa nangyari.

"Rebecca!" Rinig kong pasigaw na tawag ni Maddieson habang maingat akong inaakay ng aking bantay.

Tingin ko ay humabol pa siya sakin. But that's no longer my concern now. Nasabi niya na ang mga dapat niyang sabihin, nasaktan na ako, may bago na siya. Wala na. I think that's all enough, I want to rest first.

Dahil alam kong kapag natapos ito ay panibagong laban nanaman. I need to be strong again. Hindi pwede na manatili akong mahina.

"Ne laisse pas cet homme s'approcher de moi..." Don't let that man come near me. Rinig ko ang paghihirap sa sariling boses.

We stopped walking and I kept looking down. Onti nalang ay para na akong bubuhatin ng bantay ko dahil sa itsura ko ngayon. Basang basa, nanghihina at onti nalang ay lumuhod.

Doon ko na narinig ang pagkasa ng baril. I groaned. Hindi na ako nag-abalang lumingon sa aking likuran lalo na nang marinig ko ang boses ni Morgan.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now