Chapter 6

4.9K 143 1
                                    

STALKER

"Look," I sighed. "If you're trying to get close to me, just stop. I'm not interested at all..."

The girl, Avonlea looked down after she heard what I just said. Napailing ako at ilang saglit pa siyang tinitigan.

Magdadalawang linggo na ako dito at nasanay na din ako sa pamamalakad ng school. At sa halos dalawang linggong 'yon ay walang ginawa ang Avonlea na ito kun'di ang kulitin ako.

"I... I just want to be friends with you-"

"I don't need friends, I'm contented being alone." Putol ko sa sasabihin niya.

Nakita kong napakagat labi siya habang nakayuko pa din. I sighed before I turned my back to walk away.

Hindi ko kailangan ng mga kaibigan. Magtiwala nga sa mga tao ay hirap ako, makipag kaibigan pa kaya? She doesn't expect me to be comfortable with her in just a short period of time, isn't she?

At isa pa, hindi ko kailangan ng taong gustong makipag kompetensyahan sakin. That was one of the things I noticed about her. It's not like minamasama ko, I just don't want another rival. I already have enough.

Dumiretso ako sa library nang matapos ang pangyayaring 'yon. Dala ang laptop, libro at makapal na papel ay naupo ako sa pinakadulo at tagong bahagi ng library.

Tahimik akong nag aral doon, mabuti nalang at nakakain na ako bago pa 'ko pumunta dito. I just brought my water para naman hindi ako mauhaw.

Nakatutok ang aking mga mata sa laptop habang may isinusulat sa notebook ko. I concentrated on what I was doing until I felt like someone's watching me.

Hindi ako tumigil sa ginagawa pero naging alerto ang sarili ko. Who the hell is this?

I chuckled and slowly scratched my nose. Sumipol ako at bahagyang tinapik ang mesa na naglikha ng nakakagulat na tunog. Buti nalang malayo ang librarian kaya siguradong hindi ito masyadong rinig.

After that I heard something fell from the shelf, probably a book, then suddenly the feeling of eyes staring at me suddenly disappeared.

"Idiot." I tsked before I went back reviewing.

"Tomorrow is thursday and you will be having a first law examination. Be sure to review. Dismiss..." Anang prof namin nang dumating ang dismissal.

As usual, Phoenix and Morgan fetched me up. Dumiretso kami sa isang restaurant para doon na kumain ng hapanun, tutal ay maga-alas nwebe naman na.

"Lagi kayong late pinapalabas, ganon ba talaga diyan?" Kunot noo si Morgan sakin.

Tumango naman ako. "Oo, mahaba kasi ang oras na binibigay samin sa lunch kaya sa hapon ay medyo naghahabol kami, plus the other professors na nago-over time."

"Tssk. Dapat kasi doon kana lang nag aral sa VVA! Ala-siyete palang uwian na nila!" Aniya pa.

Pinigilan ko ang sariling mapairap habang tinatanggap ang inorder ko.

"Ayaw mo lang na naiistorbo ka ng ganitong oras! Dapat hindi kana lang sumama, dumbass..."

Umawang ang labi niya at napahawak sa sariling dibdib na para bang na-offend. I scoffed, akala mo naman ay sobra-sobra ang nagagawa niyang pagsundo sakin kung makareklamo!

"Phoenix is just dragging me out of the house, Becca! Kung hindi dahil sa kanya ay dapat-"

"Wala ka ng titirahan ngayon..." Putol ni Phoenix sa sasabihin niya.

Napaubo siya at napangisi naman ako. Well, Nix was right. Bakit pa siya titira sa bahay kung wala din naman siyang gagawin? Ha!

"Y-You two..." He holds onto his forehead.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now