Chapter 10

3.8K 125 2
                                    


TROUBLE 


Kinaumagahan ay nagising ako na inaapoy ng lagnat. Mabigat ang katawan ko, masakit ang lalamunan ko at maging ang ilong ko.

Alam ko na ito. Mabilis talaga akong tamaan ng sakit lalo na kapag naulanan.

I groaned before I got out of bed. Hinilot ko ng bahagya ang ulo at pumikit ng mariin. It seems my surroundings were spinning and blurred, I adjusted my vision. Sumisinghot din ako para mawala ang nakabara sa aking ilong.

Dumiretso ako sa banyo at naligo para naman mabawasan ang init ng aking katawan. Pag tapos non ay nagbihis ako ng pajama, sando at nag hoodie din ako, nag lagay pa ako ng medyas.

What now Rebecca? Mukha nanaman akong turon nito.

After that, I lay down again before I covered myself with my blanket. I know it's not well to cover up especially when you are sick, because the heat does not come out of the body. But I can't help it, sobrang giniginaw ako. Kita ko din ang kulimlim sa langit at mukhang umuulan pa sa labas kaya mas lalong malamig.

"Rebecca..."

Nagising ako dahil sa katok at tawag ni Phoenix mula sa labas ng aking kwarto. I don't know how many hours I slept again, pero mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko.

"Rebecca are you okay? Papasok ako." Narinig ko na ang pagbukas ng pinto, and he cursed immediately when he saw me. 

"Fuck! Sabi na nga ba't lalagnatin ka!" Dali-dali siyang pumunta sa CR at nang lumabas siya doon ay may dala na siyang basin at towel, siguradong pamunas sa katawan ko.

"Morgan!"

"Morgan! Viens ici, plus vite!" Malakas niyang pagtawag at maya-maya lang ay dumating na din si Morgan na hinihingal pa.

"Shit, what happened?" Lumapit agad siya sa pwesto ko at kinapa ang aking noo.

"You're burning!"

Yeah, not literally.

"Uminom ka ng gamot!"

I cough. Ramdam ko ang init sa aking hininga. Si Morgan ay saglit na lumabas para siguro kumuha ng gamot, si Phoenix naman ay pinipilit akong tanggalin ang kumot na nakabalot sakin.

"I d-don't want..." I whispered.

"Wag mong baby-hin ang sakitz mo, Rebecca! Kaya ang tagal mong gumaling lagi." Sermon niya.

I just groaned and closed my eyes.

"Rebecca, isa!"

What the fuck? Ano ako aso? Makabilang siya, ah.

Kung wala lang akong sakit ay namura ko na siguro 'to kanina pa.

"You stubborn girl..."

Hindi na siya umulit dahil alam niyang wala siyang magagawa. Pinatungan nalang niya ako ng bimpo sa noo bago nagpaalam na magluluto ng makakain ko.

I wanted to sleep again but Nix said don't. I need to eat at para din makainom na ako ng gamot.

Ewan ko kung ilang minuto akong naghintay pero sabay lang silang bumalik sa kwarto ko dala ang tig-isang tray. Phoenix was holding the tray with my food, water, fresh calamansi juice and fruits. While Morgan was holding a tray with thermometer and my medicines.

"Ayan, edi natahimik ka ngayon. Mas gusto ko talaga 'yong Rebecca na may sakit—"

Binato agad ni Nix ng basang bimpo si Morgan kaya natigil ito sa pagsasalita. I just showed him my middle finger while eating the soup that Phoenix made. Lugaw 'yon at masarap. Nanunuot ang init sa lalamunan ko.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now