Chapter 4

5.7K 163 2
                                    

WORRIED


Flirting is not part of my vocabulary. I rather stay at home, reviewing, eating, sleeping and ranting all my problems from time to time. Ang pumasok sa isang relasyon ay hindi kailan man sumagi sa isipan ko. Sa dami ng mga pangyayari sa buhay ko ay wala na sa oras ko ang paghahanap ng boyfriend. 

Hindi pa naman ako nangungulila.

"Ilang buwan ka palang dito pero may lalaki ka na? Wow!" Pumalakpak pa si Morgan bilang pangaasar.

Umikot ang aking mata at sinapak ang braso niya. "He's not man, you're just judgmental..."

"Nagsalita ang hindi judgmental, oh!" Humalakhak siya kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Shut up. Saan si Nix?" Tanong ko naman nang hindi mapansin 'yong isa.

"Well, cooking..." Sagot niya na ikinatango ko naman.

"Sino 'yung lalaki na 'yon, Becca?" Ngumisi si Morgan.

Naupo ako sa sofa at tiningala siya. Hindi pa ba siya nakuntento sa naging sagot ko kanina? They or he probably saw us, mga chismoso.

"Si Madd..." Kibit balikat ko.

"Madd?" Nangunot ang noo niya.

"I don't know his full name..."

"Dapat tinanong mo."

"And why would I do that?" Umismid ako.

"Well, to know him better?"

"I don't need to. I don't care..." Umiling pa ako.

"Tssk!" Pumalatak siya. "Kaya wala kang jowa, eh! Oh baka naman babae talaga gusto mo?"

Kaunti nalang talaga ay masasapak ko na 'to. Ang kulit! 'Di na lang tumahimik.

"Wala akong gusto..."

Umirap na ako at sumandal sa sofa. Tiningala ko ang ceiling at doon tumunganga. Wanting a man is a big deal. It'll be complicated, especially for me.

"Parang kumportable ka kasi kanina. That actually shocked me, because your trust is always hard to get..." Sabi pa niya.

What? Why would I trust him if I don't even know him? Hindi ba puwedeng kinausap ko lang siya dahil na-boring ako?

"Naboring lang ako sa labas kaya ko siya kinausap, stop being delusional..." Sagot ko na para bang iyon lang ang nag-iisang kasagutan sa sinabi niya.

"Whatever you say, Scarlet. Whatever you say..." Umiling siya bago ako talikuran at dumiretso sa kitchen.

I suddenly remembered my mom's words. Sabi niya ay huwag daw akong basta-bastang magtitiwala sa mga tao, lalo na sa mga lalaki. They can take advantage of me, and that man can easily break a woman's heart in just a snap.

I don' want another weakness, though.

"Sigurado ka na ba sa lugar na 'to, Scarlet? If not, then we can immediately transfer back to Manila. Habang hindi pa napo-proseso ang lahat ng mga papeles mo..." Ani Phoenix isang umaga ang dumaan.

Napatingin ako sa kanya at medyo gulo pa dahil sa tinanong niya. We already made a plan and we have been talking about this everytime we had a chance.

"Napagusapan na natin 'to, Nix. I will stay here for Shanele's safety. Wala ng pwedeng makapag pabago non..." Umingos ako.

"Alam mo..." Bumuntong hininga siya at umiling.

Parang may sasabihin pa pero hindi niya kayang ituloy.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now