Chapter 2

6.3K 192 11
                                    

DICE

Shanele survived from the bullet that hit her heart. She was comatose for a week and that was the hardest part for me. Lalo na nang ilang beses din nawala ang heartbeat niya. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din siya nagigising.

Ang ama ko naman ay muntik pang pumunta dito sa Pilipinas ngunit napigilan ko naman agad siya. Nagkasundo kami na si Shan ay ibabalik na sa France upang makasama niya at mas maging safe doon dahil mukhang natunton na kami dito. Ngayon ay hinihintay nalang namin ang pag gising ng kapatid ko at ang tuluyan niyang pag galing.

"Gather all the bodyguards later, I think we missed a rat." Utos ko habang nakatingin sa aking kapatid na maraming nakakabit sa katawan. "Hindi nila pwedeng malaman ang susunod na plano."

"Naglagay kami ng secret CCTV sa bahay ni Shanele. Noong nakaraan pa, pwede mo 'yong tingnan mamaya baka makatulong..." Ani Phoenix na nakatayo malapit sa pinto.

Tumango ako. "May naghanap ba sa kapatid ko?" Isang beses ko silang sinulyapan.

Tumango si Morgan bago ngumisi. "Ilang beses nagpunta 'yung boyfriend ni Shan doon sa bahay at hinahanap siya..."

"Anong sinasabi niyo?"

"I did not say anything..." Umiling siya. "Hindi ko din alam ang sasabihin ko."

"That's fine..." I sighed.

Mas mabuti na 'yon. Kaysa bigyan siya ng ideya tungkol sa mga nangyayari ngayon. Hindi malabong madamay siya kung pati siya ay manghihimasok sa problema ng pamilya namin.

"Can you call Bruno? Siya muna ang pag bantayin mo dito. Uuwi muna ako..." Anas ko paglipas ng ilang minuto.

Tumango si Morgan at ginawa ang sinabi ko. Ako naman ay tumayo na at saglit na hinalikan ang noo ni Shanele bago ayain si Nix na lumabas. Morgan will stay with Shan until Bruno arrived.

Bumyahe kami pabalik sa bahay at sa labas palang ay kita ko na ang ilang mga bantay. I can't help but to chuckle. Sino kaya ang totoo at sino ang traydor sa mga ito?

Funny how fast they make a move. Wala pang isang araw simula nung mapunta sila dito ay nakagawa agad sila ng atake. Tingnan natin ngayon kung maipagpapatuloy niyo pa 'yan. Inutusan ko silang pumasok sa bahay dahil baka may makakita pa dito ng kung anong gagawin ko.

"I don't want to talk shits anymore. Now, who shot my sister?" Tanong ko agad habang nakatingin sa kanilang mga reaksyon.

Walang sumagot kaya ngumisi ako. Naglakad ako sa kanilang harapan dahil nakahilera sila. Then I suddenly stopped in front of a man with blonde hair. Dahil nga malapit ako sa kanya ay nahalata ko agad ang butas niya sa magkabilang gilid ng labi pero wala namang hikaw.

"Who are you?" I coldly asked.

"Alen." He answered, not looking at me.

I shrugged "Look at me then..." Hamon ko.

Hindi niya ginawa ang gusto ko kaya nagtiim labi ako. "I said look at me o gusto mong ako mismo ang magdala ng mga mata mo sakin?"

I saw how his jaw clenched. He looked at me at minukhaan ko agad siya.

"Where are you from?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"France..." Sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Vraiment?"

"Y-Yes, Miss Scarlet..." Parang hindi pa siya sigurado sa sagot niya.

Umangat ang gilid ng labi ko.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now