Chapter 17

3.5K 106 18
                                    


CALL


May mga tao talagang kahit wala ka pang ginagawa ay nagagalit na sayo. Wala ba silang magawang maayos sa mga buhay nila? Minsan, ikaw pa ang kailangang mag adjust para sa kanila. Para ano? Para masabing nakikisama, tssk.

Well, okay. I admit that I also have that kind of attitude, it still depends on the situation, though. But as long as possible, I'm trying to be more understanding.

Halata naman na pangit ang ugali ko, pero sa bawat kilos ko naman ay may mga rason o dahilan.

But this girl, Crysel. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil sa selos o may iba pang dahilan. But whatever her reasons is, I don't care.

"Are you okay?" Maddieson asked me. "You're quiet..." He added.

Nakaupo ako sa wooden long chair sa loob ng cottage na inarkila nila. 'Yong mga kasama naman namin ay naliligo na, also Crysel, but she keeps on looking at us. Na para bang malingat lang siya ay may kung ano na kaming gagawin dito.

Stupid, girl.

"Lagi akong tahimik," sabi ko.

He sighed. "I'm sorry..." Aniya bigla.

"For?" I raised a brow.

May iba paba siyang kasalanan bukod sa ginawa niya kahapon? Wala naman na.

"About earlier. Alam kong hindi mo nagustuhan 'yong mga sinabi niya..."

Oh, that.

I shook my head. "That was fine, hindi mo naman kasalanan."

"I hate her, how dare her to shout at you." He murmured.

Dahil nakaiwas siya ng tingin sakin habang sinasabi 'yon ay hindi niya nakita ang pag nguso ko.

"You hate her but you're also sweet to her..." Wala sa sariling bulong ko din, sapat lang para marinig niya.

I suddenly heard him grinned. Na para bang natutuwa na hindi ko maintindihan. Nagtaka tuloy ako sa kanya.

"What?" My forehead creased at him.

"Selosa ka pala?" Ngisi niya.

My fucking eyes widened because of what he just said. Selosa?! Oh gosh. Asa naman 'to! I didn't even know that word.

"Spell ASA." Patol ko pa kahit nakakaramdam na ng kung ano.

"Don't worry, from this day on sayo lang ako..." Halata ang pangaasar sa tono niya.

"Maddieson!" I hissed.

"My babe is territorial huh, I like this side of yours—" I punched his hard arm.

"Aw..." He said while chuckling.

"I'm not jealous!" Tanggi ko pa ulit.

"Kwento mo sa turtle." He suddenly said that I couldn't help myself but to laugh.

"Sa turtle, huh?" I laughed once again.

He sounded so maarte! This man!

"Damn. I'm sorry, nahawa na ata ako sa kapatid kong babae!" He groaned.

Hinawi ko ang luha sa gilid ng aking mga mata dahil sa katatawa bago napailing sa kanya.

"You're helpless..." I shrugged.

"At least I made you laugh. Ahh, imagine the satisfaction..."

I grinned at him and looked away. Why does my heart and mind seem at peace every time that I'm with him? Pansin kong nalalabas ko ang lahat ng mga emosyon ko sa tuwing siya ang kasama ko. Pakiramdam ko ay malaya akong gawin ang lahat.

The Beauty of Tomorrow (Montejo Siblings #2)Where stories live. Discover now