Hindi 'ko lubos maintindihan ang nangyayari pero mabigat ang dibdib 'ko. Wala na daw si Daddy. Namatay daw siya sa isang car accident.
"Ano ba ibig sabihin ng kamatayan, Jez?" tanong ko sa kababatang kong naupo sa tabi 'ko.
Nilaro laro niya ang daliri niya, nag-iisip ng isasagot sa tanong 'ko.
"Hindi ko rin alam eh. Pero sabi nila, malungkot daw iyon." walang muwang na sagot niya. Tumango tango naman ako.
Kaya siguro ako nalulungkot ngayon kasi namatay si Daddy pero sabi ni Mommy kasama pa rin namin siya at magkikita pa rin naman kami.
P-Pero bakit lumuluha ang mata 'ko? Ang dibdib ko parang may tumutusok.
Nilingon 'ko si Jez at nagulat siya ng makita niya akong umiiyak.
"B-Bakit ka umiiyak? M-May nang-away ba sayo?" nag-aalalang tanong niya. Sinubukan niya akong hawakan pero nahihiya siya, nanatili lang ang kamay niya sa hangin.
"Nalulungkot ako Jez kasi patay na si Daddy." naiyak na sumbong 'ko sa kanya.
Nakita ko ang paglunok nya at ang unti unti pamumuo ng luha sa mata niya.
"Klaisse, d-don't cry. A-Ayukong nakikita kang umiiyak." lumuluha na rin na turan niya.
Sobra akong nalulungkot kaya tuloyan ko ng niyakap si Jez. Nagulat pa siya sa ginawa ko at parang nanigas pero wala na dun ang pansin ko.
Umiyak ako ng umiyak sa braso niya, nasasaktan ako. Hindi lang dahil patay na si Daddy kundi nakita ko ring nasasaktan si Mommy. Nasaktan siya sa pagkamatay ni Daddy. Kaya kahit hindi ko maintindihan o mapaliwanag ang salitang iyon ay nasasaktan din ako.
"Wag ka ng malungkot, Klaisse. Pangako ko sayo hindi ako mamatay para hindi ka malungkot ulit."
----
Naabotan ako ni Jez sa tapat ng room 'ko.
"Wait Klaisse!" pigil niya sakin kaya nilingon ko siya at inirapan. Tapos na sya makipaglandian sa babae niya.
"Your books." abot niya sakin at sumilip silip sa likod 'ko.
"Sino yun?" tukoy nya sa lalaking nasa loob. Hindi pamilyar ang muka nito sa akin pero mas napukaw ang atensyon ko sa librong binabasa niya.
A guy reading a paper towns by John Green! Gosh! A total green flag!
"Huy! Bakit ka ngumingiti? Sino yun?" pukaw ni Jez sa atensyon 'ko. Hindi ko rin napansin na napangiti na pala ako.
"I don't know. He's not familiar." balewalang sagot 'ko at tinitigan sya na titig na titig pa rin sa lalaki.
"Pogi. Parang bida sa pelikula na nice guy ang character." pahayag niya pa na kinasimangot 'ko.
"Hindi kayo talo! Parehas kayong may ano." umiirap na pahayag ko, bumalik naman ang tingin niya sa akin at sumeryoso ang muka.
"No. Not my type. It's your type." akusa niya sakin.
How she knew that? Eh wala naman akong nagugustohan.
"And so?" taas kilay na tanong 'ko.
Napahawak siya sa baba niya, hinihimas iyon na parang nag-iisip.
"Dun ka umuupo sa bakanteng upuan sa tabi nya diba?" usisa niya pa rin. Hindi ko alam ang pinupunto niya.
Hindi ako kumibo hangga't di nya pinagpapatuloy ang sinasabi niya.
"Haay.. Wala, wala. Susunduin kita mamaya." sumilip pa sya dun sa lalaki bago tuloyang umalis. Weird.
Pumasok na ako sa loob at naupo sa favorite spot 'ko. Kinuha ko ang libro 'ko at nagbasa rin.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...