Nasa kwarto kami ni Jez at nanunuod ng Card Captor Sakura habang kumakain ng tsitserya na nakuha namin sa kwarto ni Ate Niña.
"Aww." daing ni Jez. Pagkalingon ko sa kanya ay nakahawak sya sa may panga niya.
"Bakit? Ano nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
May dinukot sya sa bibig niya at niluwa iyon. Isa iyong plastik na hugis bilog.
"Ano yan?" takang tanong 'ko. Nagkibit balikat naman siya.
"Nakain lang ako nito eh. Tapos bigla na lang ako nasaktan dahil dito." sagot ni Jez habang tinitignan sa palad nya ang bagay na iyon.
"Tanong natin kay Ate Niña." suhisyon ko sa kanya.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak patayo. Magkahawak kamay kaming tumatakbo papunta kay ate Niña.
Pinakita namin sa kanya ang nakuha namin ni Jez sa tsitserya.
"Ah. Laroang singsing yan." sagot ni Ate Niña sa amin.
"Ano po ang singsing?" curious na tanong ni Jez.
"Ang singsing ang binibigay mo sa taong gusto mong pakasalan." pagpapaliwanag ni Ate Niña kay Jez.
"Ano po ang kasal?" muling tanong niya.
"Kasal? Ginagawa iyon kapag may dalawang taong nagmamahalan na gustong magsama habang buhay." masayang paliwanag ni Ate Niña na parang nag-iimagine pa. Isang magandang dalaga si Ate Niña, siguro may asawa na sya.
"Ganon po ba?" sagot ni Jez at humarap sa akin.
Ngumiti siya na parang nahihiya.
"Klaisse sayo na lang ang singsing na ito." abot nya sakin ng singsing. "Magpapakasal tayo."
-----
Maaga akong gumising ngayon dahil maaga din ang pasok ko.
Mag-isa lang ako pumasok ngayon dahil hindi nagparamdam sakin si Jez.Baka hindi pa nahuhugot sa kung sinong babae kaya wala pa paramdam. Tsk.
Ang dami ko pa namang dalang libro dahil may mga ipapahiram ako kay Renz. Nahihirapan tuloy ako magbitbit.
Kung kailan naman kasi kailangan sya, dun pa wala. Tsk
Dumiretso na ako sa klase 'ko, nagbasa na lang ako habang naghihintay sa prof 'ko.
Sa kalagitnaan ng discussion ay naramdaman 'kong nagvibrate phone ko. Hindi 'ko ugaling magcheck ng phone during class pero sa pagkakataong ito ay nagcheck ako.
Text iyon mula kay Renz.
"Where's your room before lunch break? I'll fetch you."Uy. Tamang tama. Ang bibigat ng book eh. Kaya nireplyan ko agad sya tapos tinago na ang phone 'ko.
Pagkatapos ng klase ay nagsilabasan na kami. Hirap na hirap talaga ako sa mga libro ko ng may tumulong sa akin.
"Renz, you're here." bati ko sa kanya.
"Yeah. You brought too many books huh." pansin niya sa dala 'ko.
Nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa kotse nya kasi sabi nya, kotse niya na lang daw ang gamitin para tipid sa gas at di na ako mahassle.
"3 books dinala ko para sayo. Sinama ko na rin yung 2 books na favorite ko. Hindi si John Green author nun so probably hindi mo pa nababasa." paliwanag ko sa kanya.
Chineck niya naman ang nga iyon habang naglalakad kami.
"Are you sure, okay lang? They're look all new parang hindi pa nababasa." nag-aalangan na pahayag niya.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...